‘I will always love you Mother Lily’
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - August 18, 2019 - 12:00am

May flashback moments din siguro si Mother Lily Monteverde dahil birthday na niya bukas, August 19, Salve.

Si Mother, tatawagan niya ako sa phone tapos may ibang kausap pala siya, itatanong sa akin bakit ako tumawag? Grabe, ha ha ha.

Pero melancholic ko dahil sa circle namin noon na very close kay Mother Lily, ako na lang natitira. Sina Douglas Quijano, Alfie Lorenzo at ako ang mga nauna sa Regal Films na palaging kasama ni Mother Lily sa lahat ng mga lakad nito.

Unang sakay ko sa eroplano dahil kay Mother Lily. Una kong sakay sa inter-island boat dahil kay Mother Lily. She is the biggest, she was the most important person why I became who I am.

Alaga ako ni Douglas kaya kahit sino ang  kanyang hawak noon na artista, bitbit niya ako.

Kami ang mga unang kasama nang mag-start na mag-produce ng mga pelikula ang Regal Films. Those were the happy days na  mahirap kalimutan that  will always be a part of my life.

More than being a second mother, best friend, and everything important in life, Mother Lily Monteverde, I will always love you, promise. Happy birthday, live a long life and always be safe.

Mark inspirado kay Nicole

Mabuti naman, nagkaroon ng inspiration si Mark Herras bago natapos ang Bihag. Sana nga makatulong si Nicole Donesa na sinasabi na bagong girlfriend ni Mark para magkaroon ito ng focus at drive.

Maganda ang performance ni Mark sa Bihag at medyo maayos ang physical appearance niya ngayon.

Walang focus at drive si Mark kaya hindi siya gaanong naging better performer or hasang-hasa bilang aktor.

Hindi niya nakuha ang depth sa acting na kailangan, tapos for a while naging pasaway siya. Natural na mabait si Mark, walang inggit sa katawan, generous to a fault, kaya siguro naging stagnant ang takbo ng career niya.

This time, dapat nang maging seryoso si Mark, focused at fully driven. Hindi na bata si Mark, ulila na at walang magiging fallback kung sakaling mawala siya sa limelight.

Sayang dahil lahat ng opportunities, ibinigay sa kanya ng GMA-7. Mas bumilis lang ang takbo ng careers nina Jennylyn Mercado at Yasmien Kurdi dahil nakita ang mga talent nila.

Ipakita mo na Mark ang ganap na pagbabago, you’re getting older, grow up.

Leo nag-e-enjoy sa pagta-travel

Naku Salve invited tayo ni Leo Espinosa sa Caribbean cruise ha? Kung pumayag ako, nakita mo na sana ang Russia pero ewan ko ba kung bakit hindi ako masyadong excited sa cruise.

Noong kasama ko sa Startalk sina Boyet/Sandy, Rudy/Lorna at si Yasmien na mag-Asian cruise kami sa invitation ni Keren Pascual, natatamad ako sa loob ng barko.

Limited ang pamamasyal kapag nag-dock sa isang lugar dahil may oras para sa pagbalik sa boat.

Boring sa akin ang cruise kaya sinabi kay Leo na kapag hindi na lang cruise, saka tayo pumunta sa Russia.

Parang nakakainggit ang mag- isa ka lang, kapag gusto mong umalis, aalis ka lang.Wala kang iniisip na maiiwan at aalagaan tulad ni Leo na halos every month nasa abroad.

Mas gusto ni Leo na mag-isa lang siya sa biyahe dahil solo niya ang room. Bongga, happy hunting Leo, maghanap ka ng better version ni Baron sa Russia ha? Goodluck.

MOTHER LILY MONTEVERDE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with