^

PSN Showbiz

Maja, hindi inakalang makakabalikan ang Ex

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Maja, hindi inakalang makakabalikan ang Ex

Masayang-masaya si Maja Salvador sa relasyon nila ng kasintahang si Rambo Nuñez. Da­ting magkarelasyon na ang dalawa mag-iisang dekada na ang nakalilipas. Ayon kay Maja ay talagang damang-dama niya ang pagmamahal ng nobyo ngayon. “Oo, ramdam na ramdam ko. Alam naman ni Rambo na nine years ago ay na-sacrifice ko ang love namin. This time sabi ko, buti nandito na ako sa kaya kong i-balance. Maliban sa love na ibinibigay niya, I’m so happy talaga and grateful sa love na rin ng family niya. Parang ‘yung lahat ng love na ipinagkait sa akin before pinupuno ng family nila. Puwede palang ‘yung pinipili mong maging partner sa buhay, ‘yung pamilya nila ay magiging  pamilya mo talaga,” pahayag ni Maja.

Hindi raw inaasahan ng dalaga na muli silang magkikita ni Rambo noong isang taon sa airport at sa isang gym. May panuntunan din si Maja na hindi siya makikipagbalikan sa mga dati nang nakarelasyon. “Nag-text siya, isang gabi kaming magka-text pero siguro, ramdam niya na enga­ging kasi may rule ako na walang balikan ng ex. Kasi noong nine years ago ay three months lang kami. Tapos nagkaroon kami ng communication ulit December (2018) na. Tapos doon na ako na parang, ‘Wala naman sigurong masama kung friends,’” nakangiting kuwento ng aktres.

Para kay Maja ay malaki rin ang ginagawang sakripisyo ni Rambo para sa kanya. “Lagi akong nagte-thank you kay Rambo kasi ang dami niyang adjustment para sa akin kasi mahal niya talaga ako. So ako, I’m willing to adjust also and willing to balance everything (para mag-work),” paglalahad ng dalaga.

Aiko ang bilis pumayat

May pagka-konserbatibo ang ka­sintahan ni Aiko Melendez na si Jay Konghun. Ayon sa aktres ay may mga oras na kinagagalitan siya ng Vice Governor ng Zambales dahil sa pananamit nang sexy. “Oo, nagagalit siya, text nang text sa akin. Lately ang bilis ng pagpayat ko, in three days, I lost 3 pounds. So ‘yung damit na dalawa na sinukat ko, ang luwang ng damit. Ito na ‘yung pinakakasya sa akin. Kaso nga lang ang catch, ang baba ng cleavage,” nakangiting kwento ni Aiko.

Kinakailangan pa umanong ipagpaalam ng aktres sa nobyo ang mga larawang ipino-post sa social media. “’Yung pictorial ko sa IG, Diyos ko, ilang beses kong pinaalam sa kanya ‘yon na, ‘For a change.’ Kaya nga ako nagpapayat, para makita ng tao’t mawala na sa utak ng tao na mataba ako dati. Pinaghirapan ko ‘to, tapos ayaw niyang pakita, ano ‘yon?” natatawang pahayag ni Aiko.

Sa mga susunod na linggo ay posibleng ibahagi ng aktres ang sikreto sa publiko kung bakit malaki ang nabawas sa kanyang timbang. “Ire-reveal ko ‘yan. Malalaman nila bakit, paano at kung may mga tsansa pa ‘yung mga gustong magpapayat. Walang science involved ‘to. Basta malalaman n’yo rin in the coming weeks,” pagtatapos niya. (Reports from JCC)

vuukle comment

MAJA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with