^

PSN Showbiz

Nabiktima uli ng ‘ghost month’ Kris milyones ang babayaran sa MMFF?! SHOWBIZ GANERN!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Nabiktima uli ng �ghost month� Kris milyones ang babayaran sa MMFF?!      SHOWBIZ GANERN!

Ipinost na kaagad ni Kris Aquino nung nakaraang Biyernes nang gabi ang desisyon ng Executive Committee ng Metro Manila Film Festival na tinanggihan ang request nilang ipalit si Gabby Concepcion kay Derek Ramsay bilang leading man ng entry nilang (K)Ampon.

Nasa quote card ng post niyang iyon ang decision ng MMFF na ang sabi; “The Rules Committee of MMFF invoke Sec 3 which states the EXECOM’s approval since the letter of request was submitted last August 5 which is 5 days after the set deadline.

“The final recommendation is to DENY the request of Quantum Films. The denial is premised on the ground that it was “filed out-of-time”. If they insist on Gabby, their film will be disqualified for the MMFF.”

Nasa caption ni Kris na pinalaki raw siyang to abide by rules.

Nasa isang post pa niya na ang sabi;  “I have read the suggestions na mag-appeal, pinalaki po akong may DELICADEZA, 2 members of the executive committee are friends, 1 is one of my closest friends—kaya hindi ko magawa..tulala ngayon kasi bukod sa hindi tuloy ang isang project na ginusto ko talaga, may ilang milyon din na sagutin kami sa MMFF bond, prod staff, crew and artists…no blame game, but to clear my name, I was concerned about, shooting until we had the approval of the MMFF rules committee, but I wasn’t producer in charge…as I said, #lessonslearned.”

Meron pa siyang karagdagan pang emote sa kanyang Instagram account na may dumating pa raw na funding para sa pelikulang ito na na-confirm nung Biyernes din.

Mukhang hindi pa raw panahon na makabalik siya sa pag-arte.

Sabi pa niya; “I didn’t want to be ‘that girl’, yung gagamit ng friendships & palakasan…kaya tinanggap with humility na hindi tamang panahon para sa (K)Ampon.”

Inilatag pa niya ang timeline na August 2 tinanggihan ni Derek ang proyektong ito na naintindihan naman daw nila.

August 3 daw nagkausap sila ni Atty. Joji Alonso at kinausap nila si Popoy Caritativo para kay Gabby Concepcion, at nagkaayos sila August 4. Kaya nung August 5 nila ipinadala ang request sa MMFF, na lagpas sa itinalagang deadline nung July 30.

Iyun ang dahilan kung bakit tinanggihan ng MMFF ang kanilang request. Pero puwede naman silang umapela, o kaya puwede ring ituloy pa rin nila ang shooting at tapusin lang ito bago ang deadline ng finished films. Puwede naman nilang i-submit uli para sa finished films. Baka makapasa naman sa Selection Committee.

Pero ang dami nang hanash ni Kris sa kanyang IG post, na hindi pa nahintay ang sulat ng Execom ng MMFF.

Sabi kasi sa statement na ipinadala ng MMFF; “The MMFF Execom Meeting happened last Friday afternoon and the official correspondence  about the decision will still be sent to the concerned producers of (K)Ampon by Monday.”

Ibig sabihin, wala pa pala silang natatanggap na sulat na ewan ko kung paano naman ito nakarating nang maaga kay Kris.

Naintindihan ko na nga ang pananahimik ni Atty. Joji Alonso. Hindi siya sumasagot sa text ko sa kanya tungkol sa plano nila sa proyektong ito.

Sabi na lang niya sa kanyang IG account; “Moving on. No looking back. We will get there.”

Ewan ko lang kung may pagbabago pa, pero baka nga meron pang magawang paraan. Sana tigilan muna ni Kris ang magpu-post ng kung ano ang plano nila sa proyektong ito.

Sa social media kasi unang nakakarating bago sa mga taong involved lalo na sa mga taga-MMFF.

Andrea hindi takot sa ghost, mas takot mawalan ng career

Wala naman daw intensyon ang mga taga-Reality Entertainment na gamitin ang isyu nina Gerald Anderson at Bea Alonzo para sa bagong pelikula nilang The Ghosting na isa namang horror.

Hindi nga lang nasagot ng mga bida ng pelikulang ito na sina Andrea Brillantes at Khalil Ramos kung ito ba talaga ang original title.

Ang dating kasi, isinakay na sa kasikatan ng term na ito ang title ng pelikula nila.

Pero horror film ang The Ghosting at wala itong kinalaman sa kuwento ng pag-ibig.

Pero kung i-kokonek sa lovelife ni Khalil ang term na ‘ghosting’, hindi raw niya ito gagawin sa taong mahal niya lalo na kay Gabbi Garcia.

Para sa kanya, parang ang rude daw ng isang taong i-ghosting ang karelasyon nito.

Ani Khalil; “I’m mature enough to handle different situations and to actually communicate whatever I feel, I think it’s very rude for one to do that.

“I’m all for communication. Kami nga ni Gab lagi naming pinag-uusapan na ang gusto namin sa relationship namin is…that is really built on a foundation where communicaton is valued talaga. Like, if may maramdaman ka, just tell it to me straightforward and to be objective whatever that is. So, we could find solutions.”

Bata pa naman si Andrea para tanungin tungkol sa ‘ghosting’ ng taong karelasyon.

Nagulat lang ako na sa murang edad niyang 16 ay ang concern nito kung paano magtrabaho dahil siya raw ang breadwinner ng pamilya.

Horror ang pelikula nilang The Ghosting na magsu-showing na sa August 28, pero sinasabi ni Andrea na hindi raw siya takot sa multo.

Ang mawalan daw ng trabaho ang talagang kinatatakutan niya.

Kaya sinundan ko siya ng tanong na napakabata pa niya para iyun ang isipin niya.

Sa dami ng mga mabibigat na problemang pinagdaanan niya, nag-mature na siya at iyun na ngayon ang nasa isip niya.

Dapat kasi ini-enjoy pa niya ang kabataan niya kahit maaga na siyang nagtrabaho.

“Nagkaroon naman ako ng life nang hindi pa ako artista and mga 7 years yun, kasi nag-start pa lang akong mag-artista mga 7 na ako.

“Choice ko naman po to eh,” pakli ng Kapamilya young actress.

“Dati nagsisisi ako kasi bata pa ako. Ang naiisip ko na ang pagiging artista madali lang. Sisikat ka, dami kang fans, mabibili mo lahat ng gusto mo, iyun lang yun ang naisip ko. Pero ngayon ang dami pa pala.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with