Derek at Andrea totohanan na
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - August 18, 2019 - 12:00am

SEEN: Ang balita na ang Pilipinas ang host country ng 68th edition ng Miss Universe at muli itong idaraos sa Mall of Asia Arena sa November 2019. Kapag natuloy ang plano, ito ang ika-apat na beses na magaganap ang Miss Universe sa Pilipinas. Unang idinaos ang Miss Universe sa Folk Arts Theater noong July 21, 1974, sa PICC noong May 21, 1994 at pangatlo sa MOA noong January 30, 2017. Nauna nang sinabi ng businessman at Miss Universe partner na si Chavit Singson na malaki ang posibilidad na idaos sa South Korea ang 68th Miss Universe.

SEEN: Isang matangkad na babae ang nakita na kasama ni Clint Bondad sa dinner sa isang restaurant sa Quezon City. Si Clint ang ex-boyfriend ni Miss Universe 2018 Catriona Gray at mula nang magkahiwalay sila, na-link na siya sa iba’t-ibang mga babae.

SCENE: Ang pangarap ni Khalil Ramos na maging direktor, balang-araw. Natuto nang mahalin ni Khalil ang entertainment industry dahil marami sa kanyang mga pangarap ang natupad mula nang maging singer at artista siya. Si Khalil ang lead actor sa The Ghosting, ang horror movie ng Reality Entertainment na bida sila ni Andrea Brillantes.

SEEN: Ang rebelasyon ni Andrea Brillantes tungkol sa kanyang mara­ming breakdown dahil sa mga pagsubok na pinagdaanan niya.

SCENE: Nagbabago na ang ihip ng hangin dahil dumarami ang nakikisimpatiya kay Chayra Ganal, ang janitress na sumita sa transwoman na si Gretchen Diez nang subukan nito na gamitin ang women’s comfort room ng Farmer’s Plaza Mall. Nakakatikim na ng mga batikos si Diez mula sa mga kapwa miyembro ng LGBTQIA+ community na nag-aakusa na sinasamantala niya ang kanyang 15 minute-fame.

SEEN: Ang panawagan ni Vice Ganda sa pamahalaan na bigyan ng solusyon ang problema ng mga transsexual sa paggamit ng comfort room ng mga kalalakihan at mga kababaihan para hindi na maulit ang karanasan ni Gretchen Diez.

SEEN: Inaasahan na lalong titindi ang mga sizzling scene nina Derek Ramsay at Andrea Torres sa The Better Woman dahil sa bago at late timeslot ng programa nila na naging instrumento para magkaroon sila ng relasyon sa tunay na buhay.

MISS UNIVERSE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with