John Lloyd and Ellen naging mag-microwave lovers!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - August 17, 2019 - 12:00am

How sad naman kung totoo na mauuwi lang sa hiwalayan ang love affair nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna.

Hindi nagsasalita ang dalawa tungkol sa isyu pero marami ang nagpapatotoo na nagwakas na nga ang kanilang relasyon na parang teleserye na sinubaybayan ng mga mahihilig sa intriga at kontrobersya.

Malaki ang  sacrifice ni John Lloyd dahil big star siya nang talikuran niya ang showbiz at pinili na magkaroon ng tahimik na buhay sa piling ni Ellen at ng kanilang baby na si Elias Modesto. Ang daming mga project na tinanggihan ni John Lloyd nang mag-decide ito na maging private citizen, kahit hindi naman naging normal ang kanyang pamumuhay dahil palihim  siya na kinukunan ng litrato ng fans sa mga lugar na pinupuntahan niya at jeep na sinasakyan.

Nagsakripisyo rin si Ellen nang iwanan nito ang acting career niya, nakipag-live in kay John Lloyd, nagbuntis at nanganak.

Sana, they will end up as friends kahit mawala na ang romance dahil they tried hard na malampasan ang  lahat ng mga pagsubok. Saksi ang lahat sa dami ng kontrobersya na pinagdaanan ng relasyon nina Ellen at John Lloyd  pero parang  their love was not enough dahil humantong sa paghihiwalay ang kanilang pagsasama.

Even having a baby did not give them enough strength to continue their love for each other. What made them fall out of love so soon?

Or baka naman kahit noong  start pa lang ng kanilang relasyon, hindi naman ganoon katindi ang pagmamahal nila para sa isa’t-isa?

Sobra lang sa init sa umpisa pero later on, nawala rin agad.  Parang microwave lovers din sila, mainit sa umpisa pero madaling lumamig.

Hay buti pa, nag-bed cramming na lang sina Ellen at John Lloyd kesa nauwi sa ghosting ang romance nila. So sad talaga.

Ruru pasisikatin na singer

Bongga si Ruru Madrid dahil may album launching na siya na carrier single ang Nawawala Siya.

May karapatan naman si Ruru na magkaroon ng album dahil marunong siya na kumanta. Complete package ang image na gusto ng GMA 7 para kay Ruru kaya hindi kataka-taka na hasain din siya as a singer dahil maganda naman ang boses niya.

Sa dami ng fans ni Ruru, expected na magiging hit ang kanyang single na talagang ginawa para sa kanya.

Wishing Ruru’s success as a singer dahil okey na siya as an actor. A new world for Ruru ang pagkakaroon niya ng record album.

Goodluck Tessa...

I wish Tessa Mauricio-Arriola the best for her online show na ilu-launch niya sa Tuesday, August 20.

A mix of lifestyle and entertaintment news ang online show ni Tessa and knowing how hard working she is, sure ako na magiging maganda ang kanyang programa.

I heard na magkakaroon din si Dinah Ventura ng online show. Both ladies are competent and trustworthy kaya sure ako na success will come their way sa field ng online show. The more, the merrier.

Minsan, dalaw tayo sa set Salve ng bawat online show, guluhin natin ang set up nila.

JOHN LLOYD CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with