Glaiza de Castro
Glaiza mabilis lang sa PRIMA...
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - August 15, 2019 - 12:00am

SEEN: Nagpapasalamat si Jillian Ward sa GMA 7 dahil muli siyang magbibida sa Prima Donnas, ang afternoon drama series na mapapanood simula sa Lunes, August 19. Three-years-old si Jillian nang magbida sa Trudis Liit.

SCENE: Balik-GMA 7 si Aiko Melendez sa Prima Donnas. Bida-kontrabida ang role ni Aiko sa Prima Donnas dahil siya ang magiging dahilan ng pagbabago ng buhay ng pamilya ng mga karakter na ginagampanan nina Glaiza de Castro at Wendell Ramos. Nang tanggapin ni Aiko  ang offer ng GMA, tiniyak ng aktres na may back story ang kanyang karakter para maintindihan ng televiewers ang pinagmulan ng pagiging kontrabida niya.

SCENE: Naninibago si Katrina Halili sa kanyang role sa Prima Donnas. Si Katrina ang gumaganap na surrogate mother nina Jillian Ward, Sofia Pablo at Althea Ablan.

SEEN: May special participation si Glaiza de Castro sa Prima Donnas pero hindi siya sumipot sa presscon na naganap noong Martes. Sandali lamang ang special participation ni Glaiza sa afternoon drama series ng Kapuso Network dahil pinatay agad ang karakter niya bilang asawa ni Wendell Ramos.

SCENE: Nagkaroon ng problema si Gina Alajar sa crying scenes nina Jillian Ward, Sofia Pablo at Elijah Alejo dahil likas na malalabo ang mga mata ng tatlo. Literal na walang nakikita sina Jillian, Sofia at Elijah kapag hindi nila suot ang kanilang eyeglasses na matataas ang grado. Si Chanda Romero ang nagturo kina Jillian, Sofia at Elijah na lagyan ng lubricant ang kanilang contact lenses para hindi sila matuyuan ng luha sa crying scenes nila sa Prima Donnas. Tulad ng tatlong youngstars, mataas din ang grado ng salamin sa mata ni Chanda.

GLAIZA DE CASTRO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with