Erich
Erich feeling superstar na raw, script ng serye ng kimxi gusto sanang baguhin
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - August 14, 2019 - 12:00am

Owww over acting na raw ang pagiging ‘diva’ ni Erich Gonzales.

At ito diumano ang rason kaya walang nalungkot nang mag-resign siya sa Love Thy Woman na pagbibidahan sana nila nina Kim Chiu and Xian Lim.

Ayon sa source,  umpisa pa lang diumano ng taping nila ay nagmamal­dita na si Erich sa script nila.

Sa takbo raw kasi ng story ng bagong serye ng KimXi, magiging first wife siya (Erich) ni Xian pero mako-coma siya. Pero magigising din naman daw in the long run at doon mag-uumpisa ang conflict nila ni Kim na gaganap na kapatid ni Erich sa ama.

Imagine, pinapalitan daw ni Erich ang flow ng story sa script na ikinaimbyerna ng writer ng serye. Kaya nag-dialogue diumano ang writer na artista lang siya at hindi writer.

Pakiramdam daw talaga ng mga tao sa paligid ni Erich na hindi nito kayang tanggapin na ang KimXi ang bida sa serye at support lang siya.

Naka-10 taping days na raw ang Love Thy Woman kaya malaking halaga raw talaga ang natapong pera. Pinalitan na siya ni Yam Concepcion.

Kahit daw ang taping nila sa Singapore, ang alam daw ng buong staff ay kasama si Erich pero a day before the flight saka lang siya nagsabi na ayaw na niya. Binigyan pa raw siya ng chance ng production ng time to decide or think about it dahil baka magbago pa ang isip, pero ayaw na raw talaga ng Kapamilya actress kuwento pa ng source.

Hindi na diumano ito pinilit dahil tuwing may taping naman pinaghihintay nito ang mga veteran star na kasama nila.

Let say ang call time ay 7:00 a.m., pero dumarating daw ito ng 9:30 a.m. Umabot pa raw sa point na panget na ang mga eksena dahil nga parang masama na sa loob nito ang mga ginawa niya.  Tsika pa ng source, minsan pa raw ay nag-dialogue ito ng ‘Hay salamat I prayed for this’ nang umulan sa taping.

Minsan naman diumano ay binigyan siya ng warning na pag hindi siya sumipot sa taping ay pagbabayarin siya. Natakot daw yata, kaya dumating ito.

Bukod doon, gusto pa raw nito, solo siya sa tent dagdag ng source na super reliable. “Samantalang supposedly ang kasama niya ay sila Sunshine Cruz, Zsa Zsa Padilla, Eula Valdez, Tirso Cruz. Parang sikat na sikat siya. Saan ka ba nanggagaling? Anong pinaghuhugutan niya?” kuwento pa ng ABS-CBN insider na ramdam sa boses ang pagka-imbyerna sa attitude diumano ni Erich ngayon.

Pahabol pa ni super reliable source, pa-English English daw ito pag kausap ang mga katrabaho na parang tunay na anak mayaman.

 Bukas ang pahinang ito sakaling gustong magpaliwanag ni Erich sa nagkalat na isyung diumano’y isa na siyang tunay na ‘diva.’

Almost two years na ang relasyon ni Erich kay Mateo Lo­renzo na galing sa mayamang pamilya.

ERICH GONZALES KIM CHIU AND XIAN LIM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with