Ejay
Ejay, anim ang gustong maging anak
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - August 14, 2019 - 12:00am

Mula nang mag-30 taong gulang na ay nag-iba na ang pananaw ni Ejay Falcon sa buhay. Para sa aktor ay malaki na ang kanyang ipinagbago kumpara noong kanyang kabataan. “Madali lang akong makuntento eh. Simple lang naman ang kaligayahan ko lalo na ngayon. Kapag nalulungkot ako minsan, kinukumpara ko lang ‘yung buhay ko dati at ngayon. Tapos masaya na naman ako, gano’n lang. Iba pala itong na-achieve ko, malayo sa dati kong buhay, so okay na ako,” bungad ni Ejay.

Ayon sa aktor ay nakahanda na siyang pakasalan ang kasintahang si Jana Roxas. Hinihintay na lamang ng aktor kung kailan niya gagawin ang wedding proposal para sa dalaga. “Ako ready na, alam ko ready na rin siya. Pero ‘yung mag-propose moment kasi ng isang lalaki ‘yon ang bigla mo na lang, ‘Moment ko na, kailangan ko nang gawin.’ May mga gano’n eh, pero hindi ‘yung parang pinaplano mo o minamadali na, ‘Uy! Tumatanda na ako. Kailangan ko na next year mag-propose.’ Basta moment sa buhay mo ‘yon na bigla na lang mare-realize mo na it’s about time na,” paliwanag ng binata.

Maging ang pagkakaroon ng anak ay nakahanda na rin si Ejay. Malaking pamilya ang pinapangarap na magkaroon ang aktor. “Ready naman ako sa lahat. Kung dadating, dadating. Basta ready ako, blessing ‘yan eh. Lalo pa ako kasi hindi ko nakita ‘yung tatay ko. So siyempre ang magiging anak ko ‘yon ‘yung magi­ging carbon copy ko di ba? So kung makikita ko ‘yung anak ko, na ito pala ‘yung itsura niya, do’n ako nae-excite. Okay ako sa apat o kaya baka anim,” natatawang pagtatapos ng aktor.

Myrtle, maraming inaasikasong negosyo

Abala ngayon si Myrtle Sarrosa para sa promotion ng pelikulang Ang Henerasyong Sumuko sa Love mula sa Regal Films.

Kasamahang bida ng aktres sa nasabing proyekto sina Tony Labrusca, Jane Oineza, Albie Casiño at Jerome Ponce. “Dito my love interest is Albie, we try to figure out if magwo-work ‘yung relationship namin or hindi. Kasi ako doon ayoko ng labels, pero ‘yung character niya gusto ng commitment. So paano nga ba nagwo-work around doon sa ganoong klase ng issue especially for millennials,” paglalahad ni Myrtle.

Aminado ang aktres na naranasan na rin niyang sumuko sa pag-ibig noon. “Minsan kasi nasasaktan talaga tayo and ‘yun din ‘yung essence ng film. Parang ang daming heartbreaks di lang sa love, pati sa career, sa family, sa friends, relationship mo. Pero ‘yung puso ko ngayon ay masaya,” pagtatapat ng dalaga. Isang taon nang nasa dating stage si Myrtle at isang non-showbiz guy.

Samantala, bukod sa pag-i-invest sa stock market ay may i­lang negosyo na rin si Myrtle. “Merong Potato Corner and other food carts. I invested in businesses and stocks. Gumawa rin ako ng sarili kong guild sa Ragnarok and competing in tournaments. Hoping ‘yung ginawa kong guild will compete internationally. Di ko ini-expect you can earn so much from gaming. ‘Yung hilig ko pala sa ganitong bagay will benefit me eventually,” nakangiting pahayag ni Myrtle. (Reports from JCC)

EJAY FALCON MYRTLE SARROSA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with