Gabby & Kris
Kris gustong sugalan ang balikang Gabby/Sharon
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - August 14, 2019 - 12:00am

Kahapon naman ang first shooting day ni Gabby Concepcion sa (K)Ampon na kinunan sa Quezon City.

Hindi pa raw kasali roon si Kris, pero nandun na siya sa set bilang isa siya sa mga producer.

In-interview niya roon ang Kapuso actor para sa kanyang YouTube Channel.

Ipinost ni Kris sa kanyang Instagram account ang ilang bahagi ng interview na kung saan kinukulit niya kung posible bang magsama sila ni Sharon Cuneta sa isang pelikula.

Binanggit kasi ni Kris na close talaga sila ni KC Concepcion, at doon na niya itinuloy ang tanong tungkol sa posibleng pagsasama nila ni Sharon sa isang pelikula.

Alam na ni Gabby kung ano ang itatanong ni Kris sa kanya kaya kaagad niyang sinagot na “gawin na natin, gusto mo bukas first day na natin,” tungkol sa movie project na posibleng pagsasamahan nila ni Sharon.

Inulit pa ni Kris na i-text daw niya si Sharon para sabihing okay ang aktor na magsama sila sa isang pelikula. “Matagal na akong go,” sabi pa ni Gabby.

Ewan ko lang kung showbiz na sagot lang iyun ni Gabby. Pero kung tatanungin niyo si Sharon, iba ang sasabihin niyan dahil hindi niya puwedeng eklayin lang ang sagot lalo na’t tungkol sa proyektong ito.

Pero interesado si Kris na i-produce ito, kaya baka madala niya sa kulit kay Sharon para matuloy ang project na ito.

Mukhang araw-araw na ang promo ni Kris na gagawin sa social media account niya. Malaking pressure rin kasi sa kanya para mapatunayang may bango pa siya sa takilya.

Mayor Lani napa-oo agad ni Maine

Ipinost na ni Manay Lolit Solis sa kanyang Instagram account na excited siya para sa alaga niyang si Mayor Lani Mercado dahil nakasama na rin nito si Maine Mendoza sa isang project.

Si Mayor Lani nga ang kinuhang gaganap na ina ni Maine sa Metro Manila Film Festival entry ng APT at M-Zet Films na Mission Unstapabol, The Don Identity.

Ngayong araw ang simula ng shooting na bale first shooting na rin ng naturang pelikula ni Vic Sotto.

Nung kainitan kasi ng AlDub, si Mayor Lani ang isa mga masugid sa sumusubaybay dito.

Fan na fan talaga siya nina Alden Richards at Maine, kaya nung sinabihan siya ni Manay Lolit na may special participation siya sa pelikulang ito at gaganap siyang nanay ni Maine, kaagad na umoo ito.

Isiniksik niya sa schedule niya sa Bacoor ang shooting, tatlo o apat na araw lang naman siya sa pelikula kaya tinanggap na niya agad.

Marami-rami raw na shooting days ang kukunan kaya talagang naka-block na sa schedule ng lahat na mga artista.

Kaya medyo madalang daw na mapanood si Maine sa Eat Bulaga dahil nilalagare pa niya ang pelikula nila ni Carlo Aquino.

GABBY CONCEPCION SHARON CUNETA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with