Actor-politician sinusumpa ng mga dating kakosa!
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - August 14, 2019 - 12:00am

Inaasahan na ang ganitong senaryo. Kapag may taong lumihis sa kinasanayan na ay maraming nagagalit sa kanya. May mga nagkokomentong nagbago na siya at kinalimutan na niya ang kanyang pinagmulan.

Ipinagkanulo na raw niya ang kanyang mga da­ting kasamahan, kinalimutan niya na ang maganda nilang pinagsamahan, makapagpalapad lang siya ng papel sa buong bayan.

Ganu’ng-ganu’n mismo ang nangyayari ngayon sa isang actor-politician na pinupuri sa kanyang mga adhikain, pinapalakpakan ang katapangang ipinakikita niya tungo sa pagbabago ng kanyang nasasakupan, habang galit na galit naman sa kanya ang mismong mga taong nakasabay niyang lumaki.

Kuwento ng aming source, “Habang maraming natutuwa sa kanyang mga ginagawa, e, sige naman sa galit sa kanya ang mga kaibigan niyang nasasagasaan ang interest sa mga pagbabagong ini-implement niya.

“Sabi pa ng isang ka-barangay niya, e, ginawa raw niyang bala sa pagpapalapad niya ng papel ang mga taong tumulong sa kanya para maluklok sa puwestong matagal na niyang inaasinta.

“Pagkatapos daw niyang makuha ang gusto niya, e, ang mismong mga taong ‘yun pa ang tinanggalan niya ng hanapbuhay, sila pa ang napilay, para lang mapuri nang husto ang dating kasamahan nila,” simulang pahayag ng aming impormante.

Ayon sa aming source ay sobrang ikinalulungkot ng actor-politician ang sentimyento ng kanyang mga kaibigan. Kung alam lang daw ng mga ito kung gaano kahalaga para sa kanya ang kapakanan ng mismong mga ka-barangay niya. Pero kailangan niyang panindigan ang mga pangakong binitiwan niya nu’ng panahon ng kampanya.

Patuloy ng aming impormante, “Never na makakalimutan nu’ng actor-politician ang pinanggalingan niya, lalo na ang mga kasama niyang lumaki, hindi niya ‘yun ipagpapalit sa power na meron siya ngayon.

“Pero kailangan niyang kumilos para sa pagbabago ng lugar nila, mas maraming natutulungan ang ginagawa niyang paglilinis, ilan lang naman ang naapektuhang mga kaibigan niya.

“Hindi sila tinraydor ng kaibigan nila, nand’yan pa rin naman siya para tumulong, pero hindi sila ang magiging dahilan para tumigil sa mga ginagawa niyang pagbabago ang kaibigan nila.

“Kakampi nila ‘yung actor-politician, hindi nila kalaban, kaya tumulong na lang sana sila sa kagustuhan niyang linisin ang lugar nila at huwag na nilang siraan pa ang kasama nilang lumaking pulitiko,” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Kasutilan ni Greta ‘di kinaya ni Marjorie

Si Marjorie Barretto ang unang naghamon pero ito rin ang unang sumuko. Pinalitan ni Marjorie ng “Ghost Writer” ang kanyang IG profile.

Maliwanag pa sa sikat ng araw sa tanghaling-tapat na ang terminong ‘yun ay parinig ni Marjorie sa kanyang kapatid na si Gretchen na naniniwalang may ghost writer si Julia Barretto sa inilabas nitong post na pumuntirya kay Bea Alonzo.

Basta-basta na lang ba uupuan ni Gretchen ang ganu’ng pasaring ng kanyang kapatid? Umariba ang pagiging sutil ni La Greta, “Ghost Buster” naman ang ipinalit niyang IG Bio, na ang ibig sabihi’y siya ang tagapamuksa ng mga taong nagmamalabis at nagpapaka-plastic.

Nawindang si Gretchen sa nangyari pagkatapos niyang palitan ng “Ghost Buster” ang kanyang IG Bio, dinagsa ang kanyang account, nagbubunyi ang mga kababayan natin sa ipinakita niyang katapangan.

Tinawagan niya agad si Jaypee, ang kaibigan niyang anak ng manager na si Tita Dolor Guevarra, hindi raw siya sanay sa ganu’ng katinding importansiyang ibinibigay sa kanya ng mga netizens.

Kuwento ni Jaypee, “Hindi na kasi niya alam kung paano niya sasagutin ang napakaraming nag-post sa IG niya. Karamihan pa, e, mga beki na ang tawag sa sarili nila, e, Team La Greta!

“Punumpuno talaga ang account niya, samantalang ‘yung kay Marjorie, e, puro pamba-bash! Ayun, natakot siya, kaya biglang umurong, tinanggal na niya ang inilagay niyang IG Bio na pang-iinsulto kay Gret­chen!” tawa nang tawang kuwento ni Jaypee.

Mas kilala ni Marjorie ang kanyang kapatid, alam nito na walang inuurungan si Gretchen, kaya ang pang-iinsultong ginawa nito ay tinapatan ng mas pang-insultong IG Bio ni La Greta.

Sabi nga, ang sumusuko sa laban ay isang malinaw na talunan, ganu’n lang ‘yun.

MARJORIE BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with