2 Pinoy Films palabas na!
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - August 14, 2019 - 12:00am

SEEN: Ngayon, August 14, ang 25th birthday ni Marco Gumabao at may birthday celebration siya sa kanyang favorite bar. Nagkaroon na siya ng advance birthday celebration noong Lunes sa Cable Car bar. Ladies Night Out ang theme ng birthday party ng lead actor ng Just A Stranger pero dumalo rin ang kanyang transgender women fans. Hindi siya homophobic.

SEEN: Dalawang Tagalog movies ang magkasabay na magbubukas ngayon, August 14, sa mga sinehan, ang And Ai Thank You ng Reality Entertainment Inc. at ang Belle Douleur ng Quantum Films. Parehong mga babae ang bida sa mga nabanggit na pelikula, si AiAi Delas Alas ang lead character sa And Ai Thank You at si Mylene Dizon ang lead actress ng Belle Douleur.

SCENE: Hindi sumipot si Dennis Padilla sa grand presscon ng And Ai Thank You pero inaasahan ang pagdalo niya sa mediacon ng Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo dahil isa siya sa mga bida ng comedy movie ng Viva Films na may playdate sa September 4, 2019.

SEEN: Magkakaroon ng commercial run sa mga sinehan sa October 2 ang Edward, ang critically-acclaimed movie ng direktor na si Thop Nazareno. Mga bida sa Edward sina Louise Abuel at Ella Cruz, ang best suppor­ting actress sa 15th Cinemalaya Independent Film Festival.

SCENE: Magkakaroon ng celebrity screening sa August 19 ang Mina-Anud, ang directorial debut ni Kerwin Go na umaani ng mga papuri dahil sa husay na ipinamalas niya bilang filmmaker.

SEEN: Ipagdiriwang ni Mother Lily Monteverde ng Regal Entertainment Inc. ang kanyang 81st birthday sa August 19 sa pamamagitan ng celebrity screening ng Mina-Anud, isa sa mga pinakamaganda na pelikula ng kanyang produksyon. 

PINOY FILMS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with