BB
BB nakaraket na sa netflix
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - August 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Oww at least hindi na lang pagiging Grab driver ang pinagkakaabalahan ngayon ni BB Gandanghari sa Amerika.

May guest appearance pala siya sa Glow na napapanood sa Netflix.

Nakatanggap siya ng mga papuri sa kanyang guest appearance para sa nasabing popular Netflix show.

May talent agency si BB na dating Rustom Padilla sa Amerika, ang The Brogan Agency.

BTS mamamahinga muna

Oh mamahinga muna ang K-pop superstars na BTS (Bangtan Sonyeondan / Bulletproof Boy Scouts).

Yup you read it right matapos nga silang nag-number 1 sa music chart sa US at Britain, rest muna sila, ayon sa kanilang management base sa report ng AFP (Agence France-Presse).  Kaya pakiusap ng kanilang management : “If you run into BTS at an unexpected place, we ask for the fans’ consideration to allow the members to enjoy their private time.”

First time umanong mamahinga ng grupo para ma-enjoy ang kanilang buhay since mag-umpisa six years ago at sumikat worldwide ang BTS.

Hello... nina Alden at Kathryn more than half billion na ang kinita

Umabot na sa more than half billion ang kita ng pelikulang Hello, Love, Goodbye nina Kathryn Bernardo and Alden Richards as of yesterday afternoon.

Ayon sa ni-release na figure ng Star Cinema, P505,773,926.62 as of Aug. 12, 1PM (Day 13) ang kita nito. Isang million lang ang difference sa The Hows of Us na umano’y P 505.6M + sa Day 12.

Marjorie natakot  kay Gretchen?!

Suko nga ba si Marjorie Barretto sa kapatid na si Gretchen kaya binura niya sa kanyang IG Bio ang ‘ghost writer?’ na tinapatan ni Gretchen ng ‘ghost buster?’

Kaya naman kahapon ay talagang nagbubunyi ang fans ni Gretchen na appreciated naman nito kaya sunud-sunod ang post niya sa kanyang IG story ng mga papuri ng TeamGreta.

Bet na bet daw ng mga Team Greta ang katarayan at katapangan nito na walang halong kaplastikan.

Meron din silang pa-Team Ghost Buster.

At ang pinantapat ni Marjorie ay ang mga photo ng baby shower ng anak niyang si Dani sa mister nitong si Xavi Panlilio.

BB GANDANGHARI BTS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with