Ricky
Ricky waging Best Supporting Actor sa baklang politician
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - August 13, 2019 - 12:00am

Si Ricky Davao ang isa sa pinalakpakan nang husto sa awards night ng Cinemalaya 2019 na ginanap sa Tanghalang Nicanor Abelardo ng CCP nung isang gabi.

Siya ang nagwaging Best Supporting Actor sa napakagaling niyang pagganap bilang ba­ding na politician sa pelikulang F#*@bois na dinirek ni Eduardo Roy Jr.

Napakagaling naman talaga ni Ricky sa pelikulang iyun, kaya kahit magagaling din ang ibang supporting actors sa ilang entries, parang mahirap talaga siyang talunin.

Isa sa mga classmate namin si Ricky sa CCP tuwing Cinemalaya dahil pinapanood niya halos lahat, bukod sa artista siya sa ilang pelikulang kalahok.

Pero wish din niyang makapagdirek ng pelikula na kung saan nagagawa niya ang gusto niya sa kanyang obra. Ang dami na niyang nadidirek na mga drama series sa GMA-7, pero siyempre limitado lang doon at meron siyang sinusunod na formula na gusto ng televiewers.

“Sana, makahanap ako ng right producer siguro, and tuloy pa rin akong maging artista,” pakli ni Ricky nang makapanayam ito nina Noel Ferrer sa radio program niyang Level Up sa Radyo Inquirer nung nakaraang Sabado.

Dagdag pa niyang wish na gusto rin sana niyang iparating sa gagawin niyang pelikula ay; “Iyung ano naman, gusto ko lang i-share, sana... maging ano tayo, magkaroon tayo ng mindfulness. Meaning, huwag nating isipin ang sarili lang natin. Lahat naman tayo, may trabaho. Lahat naman tayo, may kailangang gawin. Pero huwag tayong mag-unahan. Magbigayan naman tayo. I think, iyon ang malaking-malaking problema nating mga Pilipino.

Ella walang malay sa awards night ng Cinemalaya

Nakakapanghinayang ding hindi personal na natanggap ni Ella Cruz ang kanyang Balanghai trophy bilang Best Supporting Actress ng Cinemalaya mula sa magaling niyang pagganap sa pelikulang Edward.

Ang dinig namin, hindi raw niya alam na nung nakaraang Linggo, August 11, ang awards night. Hindi man lang ba siya nasabihan ng handler niya o taga-production ng Edward?

Malaking tulong sana iyon sa career niya, dahil dito lang sa Edward siya napansing magaling pala siyang aktres.

Samantala, marami naman ang nag-expect sa pagkapanalo ni Ruby Ruiz bilang Best Actress sa pelikulang Iska. Kahit nga si Iza Calzado na bida sa pelikulang Pandanggo sa Hukay ay agree na dapat ibigay ito sa magaling na character actress.

Kaya hindi na nag-abala si Iza na dumalo sa awards night dahil kailangan naman siya sa asalto sa kanyang kaarawan.

Samantala, masaya ang halos lahat na sumusubaybay sa Cinemalaya dahil ang isa sa paborito nilang entry ang John Denver Trending ni Arden Rod Condez ang humakot ng maraming major awards.

Ito ang napiling Best Feature Film at ang ikinatuwa ng lahat ay nanalong Best Actor ang batang bida na si Jansen Magpusao. Kinunan ang kabuuan ng pelikula sa Antique, at karamihang kinuhang umarte roon ay mga taga-roon din kabilang si Jansen.

Kakai hindi nawawalan ng pang-amor!

Bukas na ipapalabas sa commercial theaters ang dalawang Cinemalaya entries na Belle Douleur ni Atty. Joji Alonso at ang Malamaya na halos pareho ang tema tungkol sa May-December love affair.

Sana maganda ang kalabasan kahit marami pa rin ang nano­nood sa Hello, Love, Goodbye na mahigit 500M na ang nahamig nito sa takilya.

Mahigit 100 cinemas ang nakuha ng Belle Douleur, hindi ko lang alam ang sa Malamaya.

Pero kasabay din nito ang comedy ni AiAi delas Alas na And Ai Thank You. Kasali rin dito si Kakai Bautista na pinakamasuwerte sa lahat dahil halos linggu-linggo may pelikula siyang ipinapalabas.

Proud siya at kasama rin siya sa blockbuster na Hello, Love, Goodbye, pati sa pinuri ring Family History ni Michael V.

Sana nga dala dala rin niya ang suwerte sa And Ai Thank You. “Halos sabay-sabay ko rin po kasi nagawa…every other day yung shoot.  Hindi ko naman po alam na magkakasunod pala siyang ipapalabas sinuwerte lang talaga ako.

“Sabi ko nga si Mommy Ai halos buwan-buwan may pelikula din, sinusundan kita eh,” sabi niya na napapangiti kay AiAi delas Alas na katabi niya sa nakaraang presscon ng And Ai, Thank You.

“Pero siguro suwerte lang din talaga, saka mabait si Lord dahil alam niyang kailangan ko ng pang-amor…pang-amortization. So, kailangan ko ng maraming trabaho.  Si ‘amor’ po kasi nagpaparamdam tuwing 25th yan... si ‘judith’ (due date) din eh,” sabi pa ni Kakai.

RICKY DAVAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with