Gretchen at Kris may karapatang sumawsaw
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - August 13, 2019 - 12:00am

May mga nagtatanong kung bakit wala akong comment sa pagsawsaw nina Gretchen Barretto at Kris Aquino sa teleserye nina Bea Alonzo, Julia Barretto at Gerald Anderson.

Hindi ba ‘yon ang magic ng social media, ‘yung puwede kang sumali sa anumang topic kahit hindi ka kilala ng mga tao na involved sa isyu?

Sa dami nang nakisawsaw, sino ba ang mas legitimate na magbigay ng comment, si Gretchen na kamag-anak o si Kris na kaibigan?

Mas kilala pa nga nila ang tatlo kesa sa milyon na nagbibigay ng mga opinion. ‘Yan ang gusto ko sa social media, ang interaction ng mga hindi magkakilala pero dapat may parameter din sila  sa pagbibigay ng comments.

Like okey lang na medyo personal ang mga obserbasyon pero ‘yung masyadong harsh ang comments ng mga hindi naman nakakaalam sa tunay na isyu, foul at overacting na.

Hindi bale na sabihin na ganito at ganoon ang mga artista na sangkot sa kontrobersya kung kakilala mo sila nang personal pero kung complete stranger ka, dapat na magdahan-dahan at dapat na maging fair ka sa pagsasalita.

Mga pulis deserve ding regaluhan

Tama si President Rodrigo Duterte sa sinabi nito na walang masama kung tumanggap ng regalo ang mga pulis Salve.

Kung kusa ang pagbibigay sa kanila ng mga regalo as a sign of appreciation ng isang tao na natuwa sa ginawa nila, why not?

Ugali nating mga Pilipino ang nagbibigay ng something sa isang tao na kinatuwaan natin kaya bakit hindi puwedeng tumanggap ng regalo o pabuya ang mga pulis?

Hindi ba mas maganda na kusa ang pagbibigay sa kanila ng mga regalo kesa sila ang nanghihingi?

Walang masama sa pagtanggap ng regalo dahil hindi ito commitment, hindi rin parang kapag may tinanggap ka, dapat mo nang sundin ang mga gusto na ipagawa ng nagregalo sa’yo.

Jackie Rice ginawang katatawanan ang pagiging ‘escort girl’

Nakakaloka ang nangyari kay Jackie Rice dahil ginamit ang litrato niya sa isang escort service website at may caption na sa halagang P2 million, puwede na siyang sumama sa mga lalake na kukuha sa kanyang serbisyo bilang escort girl.

Cute ang reaction ni Jackie, natawa siya at nagsalita na mayaman at sikat na pala siya para bayaran ng ganoong kalaking halaga ng datung.

Type ko ang sense of humor ni Jackie dahil alam nito na scam ang lumabas sa social media. Sa halip na ma-pressure at maapektuhan, ginawa niya na katatawan ang sitwasyon.

Talagang dapat nang higpitan ang mga ganyan na modus tulad ng nangyari kay Judy Ann Santos na ginamit ang litrato sa isang product advertisement na wala siyang kinalaman.

BEA ALONZO JULIA BARRETTO AND GERALD ANDERSON RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with