Female personality hindi pa nakaka-move on sa panlalait noon ng ina
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - August 13, 2019 - 12:00am

Hinding-hindi na malilimutan pa ng isang pamosong female personality kung paano siya ipinahihiya ng kanyang ina nu’ng bata pa siya sa kanilang mga bisita sa bahay.

‘Yun ang matinding dahilan kung bakit habang lumalaki silang magkakapatid ay parang wala siyang tiwala sa kanyang sarili. Pakiramdam ng female personality ay napakara­ming kulang sa kanyang pagkatao.

Kuwento ng aming source, “Darating ang mga relatives nila sa bahay, ipinakikilala sila ng mommy nila sa mga bisita, pagdating na sa female personality, e, may kakaibang introduction ang mommy niya sa kanya.

“Sasabihin ng mommy niya, ‘Oh, ito nga pala ang aming ugly duckling.’ Natural, kumokontra naman ang mga relatives nila, ang ganda-ganda raw niya, pero bakit ugly duckling ang pagpapakilala sa kanya ng mother niya?

“Hindi na lang kikibo ang anak, tatakbo na lang siya sa kuwarto, du’n siya iiyak nang iiyak. Napakasakit nga naman ng ganu’n, tuwing ipakilala siya ng mom niya sa kanilang mga bisita, e, ugly duckling siya?” seryosong kuwento ng aming impormante.

Mapagbiro talaga ang kapalaran. ‘Yung ugly duckling pang anak ang nag-artista. At hindi lang siya basta artista, sumikat siya, kinilala ang talent niya sa pag-arte at pagho-host.

Patuloy ng aming source, “At sumasama sa shooting niya ang mommy niya, ha? Kapag may pumupuri sa kanya, e, sasabihin na naman ng mother niya, ‘Ewan nga ba! Kung sino pa ang ugly duckling sa pamilya namin, siya pa ang naging artista!’

“Ayaw talagang magtigil ng mommy niya sa pagpapahiya sa kanya! Kahit maraming tao, talagang sinasabi ng mommy niya na sa kanilang lahat ng magkakapatid, e, hindi naman siya ang mukhang artista!” naiinis na kuwento ng aming source.

Gumanda lalo ang career ng female personality, milyunan na ang kanyang kinikita sa pag-artista, bukas na bukas ang kanyang palad sa pagtulong sa kanilang pamilya.

Sabi uli ng aming source “Nu’n lang med­yo tumigil na sa katatawag ng ugly duckling sa kanya ang mommy niya. Mapera na kasi siya, malaking-malaki na ang naitutulong niya sa family nila.

“At nu’ng talagang suwertihin na siya sa buhay at career niya, e, napansin niya na super-bait na sa kanya ng mommy niya, panay na ang puri sa kanya, ang ganda-ganda raw niya!

“Isa lang ‘yun sa mga dahilan kung bakit lumayo ang loob ng female personality sa mother niya. Lumaki nang lumaki ang gap nila, hanggang sa nawalan na sila ng communication. Nauntog na sa katotohanan ang girl na hindi naman siya ang mahal ng mommy niya kundi ang kung ano ang naibibigay niya. Nakakalungkot, di ba?” pagtatapos ng aming source.

Bashers ni Kris buhay na buhay na naman

Nang-imbita na naman ng mga bampira at langaw-kantanod si Kris Aquino, paborito na naman siyang gawing pulutan ngayon sa social media, sa halip na manood na lang sana siya at manahimik ay kung bakit naglabas pa siya ng saloobin tungkol sa kontrobersiya sa pagitan nina Julia Barretto at Bea Alonzo.

Kumbaga sa nilagang itlog ay malasado kasi ang posisyon ni Kris, hindi raw siya magsasawang mahalin si Bea, pero sana raw naman ay huwag husgahan at saktan ng netizens si Julia. Hindi raw naman si Julia lang ang dapat sisihin sa pangyayari, kaya bakit ito ang inuupakan sa social media, pati ang kanyang inang si Marjorie Barretto?

Mahal niya si Bea, pero kahit anong pagpapaikot pa ang gawin ni Kris sa kanyang paghalo sa isyu ay kitang-kita namang nakahapay ang kanyang posisyon kay Julia, kaya ano ang napala ni Kris?

Ayun, pinupog din si Kris, ano ang sabi sa kanya ng mga bashers, “You deserve each other, birds of the same feather flock together, pareho lang kayong mang-aagaw ni Julia!”

May nag-post pa na isa-isang sinariwa ang mga pakikipagrelasyon ni Kris na puro pamilyado na ang kanyang minahal, talagang binalikan ng mga ito ang kanyang kasaysayan sa pakikipagrelasyon, saka pinagtabi ang mga retrato nila ni Julia Barretto.

Nagsiguro kasi si Kris, gumitna siya kina Julia at Bea, para hindi siya mapagbintangang may kinakampihan sa dalawa.

Nakalimutan ni Kris Aquino na sa laban ng buhay ay kailangang magkaroon siya ng posisyon, kaliwa at kanan lang naman ang kanyang pamimilian, parang pagtawid din sa kalye na kapag gumitna ka ay siguradong masasagasaan ka.

Sabi nga ng kaibigan naming propesor, “Parang sa PBA finals. Kung maka-TNT ka, hindi ka puwedeng kumampi sa SMB!”

KRIS AQUINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with