Janella Salvador
Janella loyal kay Julia
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - August 12, 2019 - 12:00am

Inamin ni Janella Salvador na napag-usapan nilang dalawa ni Joshua Garcia ang tungkol sa kinasasangkutang kontrobersiya ng kaibigang si Julia Barretto. Madalas na magkasama ngayon sina Janella at Joshua dahil sa taping ng The Killer Bride na mapapanood na simula mamayang gabi. “We talked about it of course. But as much as possible kasi I’d like to exclude myself from the issue. Kasi I feel I’m just going to add more fuel to the fire,” makahulugang pahayag ni Janella.

Malapit na kaibigan ng aktres si Julia kaya agad na nagpaabot ng mga mensahe rito nang mabalitaan ang pagkakaugnay kay Gerald Anderson. “Of course, Julia being my friend, I reached out to her talaga. Yes, I just said I’m there for her no matter what siyempre,” giit ng dalaga.

Ayon kay Janella ay nakasuporta rin sa kanya si Julia noong siya naman ang may pinagdadaanan kaya tala­gang ramdam ang pagmamahal sa isa’t isa. “It’s more on we both help each other. Ever since we’ve helped each other. Every time one has a problem, every time one’s sad. We always make each other feel like we have a friend in each other,” paglalahad ng aktres.

AiAi sumandal kay Mama Mary nang makaranas ng depresyon

Lingid sa kaalaman ng publiko na nakaranas ng matin­ding depresyon si AiAi Delas Alas noon. Nangyari daw ito magdadalawang dekada na ang nakalilipas. “‘Di ba may kasabihan na it’s lonely at the top? Totoo ‘yon, naranasan ko ‘yon. Sa tagal ko sa industriya ngayon ko lang na-open itong topic na ito. Before Tanging Ina pagpatak ng 2001. Doon nag-start lalo na after Tanging Ina. More of pagod ka sa dami ng ginagawa mo, tapos parang ang daming tao na gusto kang kausapin. Tapos wala kang time para sa sarili mo. So na-overwhelm ka. I think kaya ka nalulungkot, it’s lonely at the top kasi pagod ka eh. Tapos parang lahat sila parang gustong kainin ‘yung buong pagkatao mo. Tapos wala kang magawa kasi binigyan ka ng Diyos ng pagkakataon na sumikat,” pagbabahagi ni AiAi.

Agad na komunsulta ang Comedy Queen sa isang espes­yalista noon upang malunasan ang naranasang depresyon. “Ang wake-up call ko no’ng time na nagpa-psychiatrist ako, binigyan ako ng Prozac, ‘yung effect sa akin nanginginig ako, nahuhulog ‘yung mga bag ko. ‘Pag kinausap mo ako para akong walang pakiramdam, wala akong emosyon. So sabi ko, ‘Ang pangit, ayoko ito.’ So nag-devotion na lang ako kay Mama Mary at kay Lord. Nagdasal ako and shini-share ko sa iba ‘yung nararamdaman ko and binibigyan naman nila ako ng payo,” kuwento ng aktres.      (Reports from JCC)

JANELLA SALVADOR JOSHUA GARCIA JULIA BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with