Gretchen at Marjorie nagkasagutan!
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - August 12, 2019 - 12:00am

SEEN: Ang taos-puso na pasasalamat ni Kerwin Ho sa Regal Entertainment Inc. producers na sina Mother Lily at Roselle Monteverde dahil sa tiwala na ibinigay sa kanya. Si Kerwin ang direktor ng Mina-Anud, isa sa mga pinakamaganda na pelikula na ginawa ng Regal Entertainment Inc.

SCENE: Ang Mina-Anud ang closing film ng 15th Cine­malaya Independent Film Festival noong Sabado, August 10, sa Cultural Center of the Philippines. Hindi nagkamali ang organizers ng Cinemalaya sa pagpili sa Mina-Anud bilang closing film dahil tumanggap ito ng malakas na palakpak at papuri mula sa mga nanood.

SEEN: Worthy of a best actor nomination ang mga performance nina Dennis Trillo at Jerald Napoles sa Mina-Anud na may karapatan din na ma-nominate bilang best picture at best direction sa mga award-giving body sa award season sa 2020.

SCENE: Rebelasyon si Matteo Guidicelli sa Mina-Anud dahil sa kanyang mahusay na pagganap. Panahon na para bigyan si Matteo ng mga challenging role tulad ng karakter na ginampanan niya sa Mina-Anud.

SEEN: Star material si Mulawin Primero, ang anak ni Joanne Quintas at ng former model/actor na si Domini Primero pero wala sa bokabularyo ng 15-year-old son nila ang pumasok sa showbiz at sundan ang yapak ng kanyang mga magulang.

SCENE: Mabigat sa dibdib ang kuwento at mga eksena ng John Denver Trending, isa sa mga official entry sa 15th Cinemalaya Independent Film Festival. Ang baguhang aktor na si Jansen Magpusao na walang acting experience bago niya ginawa ang John Denver Trending ang bida ng pelikula. Mahirap paniwalaan na walang karanasan si Jansen sa pag-arte dahil sa kanyang de-kalibre na performance.

SEEN: Magiging malungkot ang showbiz kung wala ang mga Barretto sister. “Ghostwriter” ang inilagay ni Marjorie Barretto sa Instagram bio nito na tila sagot sa paratang ng kanyang kapatid na si Gretchen Barretto na may ghost writer si Julia Barretto sa Instagram post nito tungkol kay Bea Alonzo.

SCENE: Hindi nagpatalo si Gretchen Barretto kay Marjorie Barretto. “Ghostbuster” naman ang inilagay ni Gretchen sa Instagram bio nito.  

SEEN: Sina Joey de Leon, Nova Villa at Willie Nepomuceno ang mga pinarangalan kahapon sa 4th anniversary show ng Sunday Pinasaya. Ang tatlong komedyante ang recipients ng Puso ng Saya award.

SCENE: Ipinagdiwang ni Mariel Rodriguez noong August 9 ang kanyang 35th birthday sa pamamagitan ng isang party sa Raffles Hotel, Makati City. Double birthday celebration ang nangyari dahil isinabay sa pagdiriwang ng kaarawan ni Mariel ang 50th birthday party ng kanyang asawa na si Robin Padilla. Sa November 23 ang 50th birthday ni Robin pero wala si Mariel sa kanyang actual birthday dahil isisilang sa Amerika ng misis niya ang kanilang second daughter.

GRETCHEN BARRETTO MARJORIE BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with