Willie Revillame
Wowowin nagkansela ng taping
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - August 11, 2019 - 12:00am

SEEN: Nakansela ang taping kahapon ng Wowowin dahil sa masungit na panahon. Mas binigyan ng pagpapahalaga ng Wowowin host na si Willie Revillame ang kapakanan ng mga manonood ng taping ng top-rating game show niya. 

SCENE : Hindi rin natuloy noong Biyernes ng gabi ang special screening ng Just A Strangerng Viva Films sa UP Cine Adarna dahil sa malakas na buhos ng ulan. Sina Anne Curtis at Marco Gumabao ang bida ng Just A Stranger.

SEEN: Patuloy na pini­pilahan ang second week sa mga sinehan ng Hello, Love, Goodbye nina Alden Richards at Kathryn Bernardo na parehong nasa Dubai para sa premiere ng kanilang blockbuster movie.

SCENE: Pasado sa panlasa ng moviegoers ang Belle Douleur, ang movie directorial debut ni Quantum Films producer Atty. Joji Alonso. Ipinalabas sa Trinoma Cinema 4 noong Biyernes ang pelikula nina Kit Thompson at Mylene Dizon na parehong mahusay sa kanilang mga ginampanan na karakter.

SEEN: Marami ang pumupuri at gandang-ganda sa John Denver Trending, isa sa mga official entry sa 15th Cinemalaya Independent Film Festival. Nangyayari sa tunay na buhay at depressing ang kuwento ng John Denver Trending. Deserving na manalo ng acting award sina Meryll Soriano at Mylene Dizon para sa mga role nila sa John Denver Trending at Belle Douleur, respectively.

SCENE: Ang story conference noong Biyernes ng Magkaagaw, ang upcoming afternoon drama series ng GMA 7. Mga bida sa Magkaagaw sina Sunshine Dizon, Sheryl Cruz, Klea Pineda at Jeric Gonzales.

SEEN: Magkaibigan na uli sila ni Rere Madrid ang pahayag ni Lexi Gonzales, ang Starstruck Season 7 contender na nagsabi noon na backstabber ang kapatid ni Ruru Madrid. 

SCENE: Manalo man o hindi sa Season 7 ng Starstruck, buo na ang plano ni Pamela Prinster na magbakasyon sa Amerika. Si Pamela ang 18-year-old stunner na pinapaboran na manalo bilang Ultimate Female Survivor ng reality-based artista search ng GMA 7.

WILLIE REVILLAME
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with