Jane
Jane Oineza interesadong mag-kontrabida sa Darna
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - August 9, 2019 - 12:00am

Natanggal na kamakailan ang karakter ni Jane Oineza sa teleseryeng Los Bastardos bilang si Gigi Octavio. Ayon sa aktres ay biglaan ang mga pangyayari dahil sa isang bagong proyektong kanya sanang gagawin. “Ang real reason why ako pinullout sa Los Bastardos was hinihingi ako for another show. Hindi ko po alam kung ano ang naging pag-uusap pero sa ngayon hindi pa po ako naa-update,” pagtatapat ni Jane.

Para sa aktres ay masaya naman siya kahit hindi sunud-sunod ang kanyang mga trabahong ginagawa. Ang mahalaga kay Jane ay hindi pa rin siya nawawalan ng mga proyekto hanggang ngayon. “Hindi naman po ako nagmamadali. Ang importante sa akin ‘yung kwento ng projects kung worth it ang projects, hindi naman po sa dami rin,” giit ng dalaga.

Marami ang humihikayat kay Jane na mag-audition para gumanap bilang kalaban o kontrabida ni Jane de Leon na siyang gaganap bilang Darna sa pelikula. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay buong-pusong tatanggapin ni Jane ang pagiging kontrabida sa isang malaking proyekto. “Malaking honor ‘yon at napaka-iconic ng pelikulang Darna. So bakit naman tayo tatanggi sa isang role,” pagtatapos niya.

Bela gustong baguhin ang hitsura 

Mamayang gabi ay magtatapos na ang teleser­yeng Sino Ang Maysala? Mea Culpa kung saan ay isa si Bela Padilla sa mga bida. Makapagsisimula na ng shooting ang Miracle in Cell No. 7 na isa sa mga pelikulang kalahok sa nalalapit na Metro Manila Film Festival.

Kinakailangan daw magbago ng hitsura ni Bela para sa kanyang karakter sa nasabing Filipino adaptation ng Korean drama. “Hindi pa po ako nag-first day (shoot). Pinapatapos po muna nila sa akin ang Sino Ang May Sala kasi I wanna change my look. One year na din na ganito ang itsura ng buhok ko. So I wanna look different for this movie. Siyempre special ‘to kasi it’s my first time working with Sir Aga Muhlach,” pagbabahagi ni Bela.

Ayon sa dalaga ay ibibigay niya ang lahat ng kayang gawin upang tumatak sa mga manonood ang kanyang karakter sa bagong pelikula. “Sobrang daming beses ko na din po napanood ‘yung Korean version and fan ako ni Park Shin Hye (leading lady sa Korean version),” giit ng aktres.

Aminado si Bela na talagang hinahangaan niya si Aga Muhlach mula noon pa man. Para sa aktres ay malaking karangalan na makatrabaho ang isang batikang aktor na tinitingala ng lahat. “Exciting, pinapanood ko siya, kahit ‘yung ibang eksena na siya pa lang, pinapanood ko siya kasi gusto ko siya makita. Kumbaga, what would I work with or deal with this new project,” paglalahad ng dalaga. (Reports from JCC)

JANE OINEZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with