Sa isang tweet kaninang umaga, bumalaga na lang sa madla ang paskil ni Associate Justice Marvic Leonen kaugnay ng showbiz topic.
Office of the Presidential Adviser on the Peace Process Read more at https://www.philstar.com/headlines/2018/07/19/1834866/justice-marvic-leonen-denies-seeking-chief-justice-post#Opw0IkE1FSWWUPuC.99
SC justice sa bangayang Bea-Julia: 'Worth it ba talaga siya?'
James Relativo (Philstar.com) - August 7, 2019 - 2:41pm

MANILA, Philippines — Nagpahiwatig na ng sari-saring kuro-kuro ang mga netizens patungkol sa bali-balitang cheating controversy sa pagitan nina Julia Barretto, Bea Alonzo at nobyong si Gerard Anderson.

Dahil dito, laman pa rin ito ng newsfeed ng marami sa social media.

Pero ang panibagong nagsalita tungkol sa isyu, isang mahistrado ng Supreme Court lang naman.

Sa isang tweet kaninang umaga, bumalaga na lang sa madla ang paskil ni Associate Justice Marvic Leonen kaugnay ng showbiz topic.

"Dear Bea and Julia, is he really worth it? #JustAsking," sabi ng justice.

Pumutok ang isyu nang mapansin ng marami ang pag-like ni Bea sa mga Instagram posts na tumuturo sa diumano'y pangangaliwa ng noo'y boyfriend na si Gerald kasama si Julia.

Napansin din ng ilan ang pag-like ni Joshua Garcia, na nobyo noon ni Julia, sa post ni Bea.

Una nang sinabi ni Bea na walang nangyaring pormal na hiwalayan, at bigla na lang daw siyang hindi kinakausap ni Gerald.

Pero sa panayam ng ABS-CBN, sinabi ni Gerard na kaliwa't kanan ang kanilang pag-aaway hanggang sa umabot na raw sila sa "ayawan."

"Nand'on 'yung realization na hindi na siya masyadong healthy and we’re just hurting each other. Ayun umabot sa point na ayawan na talaga. Then after that you’ve got to stay strong para umiwas muna sa communication," sabi ng aktor.

Dumistansya naman si Julia sa isyu at itinangging may kinalaman siya sa hiwalayan ng dalawa.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Julia Barretto (@juliabarretto) on

"I believe Gerard has already made it clear that a third party was not the cause of their break up. I would like to disassociate myself from the breakup of Bea and Gerald. Their issues are entirely their own," ani Julia.

Dagdag pa niya, apat na buwan na silang hiwalay ni Joshua kung kaya't hindi siya nagloko.

Inakusahan naman ni Julia si Bea ng "bullying" sa kanyang pagla-like ng mga "harmless photos" dahilan para insultuhin siya ng publiko.

BEA ALONZO GERALD ANDERSON JULIA BARRETTO MARVIC LEONEN SUPREME COURT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with