Verdict ni Direk Brillante Mendoza makikipagsalpukan sa Venice Filmfest
(Pilipino Star Ngayon) - August 7, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Makikipagsalpukan ang Verdict na Filipino feature film ni Raymund Ribay Gutierrez at produced ng international film festival-favorite na si Brillante Mendoza para sa Best Film sa Horizons (Orizzonti) section sa ika-76 na Venice Film Festival.

Gaganapin ang Festival mula Agosto 28 hanggang Setyembre 7, 2019 sa Venice Lido sa Italy.  Ang Verdict ang nag-iisang pelikula mula sa Southeast Asia na kasali sa prestihiyosong official selection ng Venice Film Festival ngayong taon.

“Venice Film Festival is one of the most prominent film festivals in the world, and having Verdict compete there along with the world’s top-tier films is a fitting celebration for the One Hundred Years of Philippine Cinema,” sabi ni FDCP Chairperson and CEO Mary Liza Diño.

Sumusunod ang Verdict sa yapak ng Ang Babaeng Humayo ni Lav Diaz na nanalo ng Golden Lion Award in 2016 sa Venice Film Festival. “We are very proud of Raymund and his mentor Brillante Mendoza for continuously making a mark in world cinema and showcasing Filipino talent on a global level,” dagdag pa ni Chair Liza.

Ang Verdict ay produced ng Center Stage Productions ni Mendoza at pinagbibidahan nina Max Eigenmann, Kristoffer King, Jorden Suan, at Rene Durian. Kinilala rin ito ngayong taon bilang isang Work-in-Progress project sa Hong Kong-Asia Film Financing Forum (HAF), ang leading film project market sa Asya.

Ayon sa website ng La Biennale di Venezia, ang Horizons section na kinabibilangan ng Verdict ay nagtatampok ng mga pelikulang “nagpapakita ng latest aesthetic at expressive trends sa international cinema.”

Goodluck sa Verdict.

Rhea Santos ipapakita ang tunay na buhay

Sa loob ng mahigit walong taon, inihatid ni Rhea Santos ang kuwento ng tunay na buhay ng iba’t ibang personalidad at mga taong mapaghuhugutan ng inspirasyon at pag-asa. At makalipas ang mahigit 500 na kuwentong kanyang ibinahagi, si Rhea naman ang maglalahad ng kanyang Tunay Na Buhay.

Unang napasok si Rhea sa loob ng mundo ng media noong 2000 bilang isang segment producer. Dumating ang araw na nabigyan siya ng pagkakataong makapag-host ng balita sa ilang GMA Public Affairs program gaya ng Frontpage, Women’s Desk, At Your Service, at Pinoy Abroad. At bukod sa Tunay Na Buhay, araw-araw ding napanuod si Rhea sa early morning show na Unang Hirit.

Ngunit sa kabila ng tagumpay, isang malaking desisyon ang kailangang gawin ni Rhea. Ano nga ba ang panibagong yugto na ito sa kanyang buhay?

Ang dating tagahatid ng kuwento, ngayon ay magbabahagi ng kanyang sariling kuwento. Samahan si Pia Arcangel at silipin ang Tunay na Buhay ng nag-iisang si Rhea Santos—isang broadcaster, isang asawa, at isang ina. Abangan ‘yan ngayong Miyerkules, 11:35 p.m. pagkatapos ng Saksi sa GMA 7.

Blind Auditions Tinutukan

Pagkatapos ng dalawang taong pamamahinga ng The Voice, inabangan at tinutukan ng mga manonood sa buong bansa ang muling pag-ikot ng mga upuan ng tatlong orihinal na superstar coaches nito at pagbibida ng mga panlabang boses ng kabataan sa pagsisimula ng ikaapat na season ng The Voice Kids noong weekend.

Naaliw ang buong bansa sa kulitan at agawan ng young artists ng coaches na sina Sarah Geronimo, Bamboo at Lea Salonga kung kaya’t nagkamit ang The Voice Kids sa pagsisimula nito noong Sabado (Agosto 3) ng national TV rating na 34.8% ayon sa datos ng Kantar Media.

Muli rin itong naghari noong Linggo (Agosto 4) sa pagtutuluy-tuloy ng blind auditions at pagkuha ng kanya-kanyang pambato ng coaches.

Gaya ng lahat ng seasons ng The Voice sa bansa, maigi rin itong inabangan online at nakakuha ng libo-libong views sa parehong YouTube at Facebook. Pinag-usapan din ito sa buong mundo at nag-trend pa ang hashtags nitong #VoiceKidsS4 at #TVKisBACK sa Twitter, pati na sina coach Lea, Bamboo at Sarah at ang mga artist na sumabak sa blind auditions.

Sa pagtatapos ng unang yugto ng blind auditions, nakuha ni coach Sarah ang rakistang bulilit na si Ramjean, ang bibo kid na si Amierr, at ang biriterong three-chair turner na si Vanjoss. Dalawang babaeng power belters naman ang nakuha ni coach Bamboo sa Kamp Kawayan na sa ngayon ay kinabibilangan nina Tiffany at Lovelyn. Pagdating naman sa FamiLea, matagumpay na napasama ni coach Lea ang unang three-chair turner ng season na si Alexa, isang batang theater actress.

BRILLANTE MENDOZA THE VOICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with