Ellen nakipaghiwalay na kay John Lloyd?!
Beauty, Ellen at John Lloyd
Ellen nakipaghiwalay na kay John Lloyd?!
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - August 4, 2019 - 12:00am

Owww hiwalay na raw sina John Lloyd Cruz and Ellen Adarna ayon sa isang super reliable source.

Nagising na lang daw isang araw si Ellen na ayaw na niya sa actor ayon daw sa kuwento ng  isang malapit sa actress. Yes, ang former sexy actress diumano ang nakipaghiwalay sa actor na hanggang ngayon ay naka-leave of absence pa sa kanyang career.

Alam na raw ng mga BFF ni Ellen ang real status nila, ayon pa sa source.

Kasalukuyang nasa Bangkok, Thailand si Ellen kasama ang anak nila ng aktor with her BFF na si Beauty Gonzales and daughter (sa asawang si Norman Crisologo) at bestfriend din nilang designer na si Vito Selma.

Si John Lloyd naman daw ay nasa Vietnam ayon pa sa source. Though walang location ang mga bagong upload niya na weird photos sa kanyang IG account na ‘dumpsite’ ang username. 

Ayon pa sa source, ser­yosohan daw ang nasabing hiwalayan.

Wait natin kung aamin sila or magko-comment sa nasabing issue.

Nabalita na noon na magpapakasal sina John Lloyd at Ellen at meron pang engagement ring na 3 karats diumano pero kung hiwalay na nga sila, paano pa?

Babalik na lang kaya si John Lloyd sa showbiz?

Ito kaya ang rason kaya lately ay tumatanggap na siya ng endorsement?

Anyway, I’m sure nakaramdam ang grupo nila Ellen ng kaba nang magkaroon ng sunud-sunod na bomb explosion sa Bangkok the other day.

Though anim na small bombs lang naman daw ‘yun sa tatlong locations sa Bangkok ayon sa mga naglabasang online report, apat ang nagkaroon ng injury at nag-panic ang mga mga tao habang doon nga ginaganap ang Southeast Asian security meeting na dinaluhan ng mga diplomats ng United States and China.

PPP stars may mall shows

Kahit masama ang panahon noong isang araw, bumiyahe ng Cebu ang bida ng ibang pelikulang kasali sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) 2019. Sinimulan nga ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang PPP mall shows at campus tours sa Cebu.

Naki-jamming ang mga Cebuano sa LSS (Last Song Syndrome) artists na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos at naki-selfie sa stars ng G! na sina McCoy de Leon, Mark Oblea, at Paulo Angeles na ginanap sa University of San Jose-Recoletos.

Makakasama naman ng fans ang kanilang PPP 2019 idols sa SM City Cebu ngayong araw, Agosto 3, 2019, 4:00 PM, sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos mula sa LSS (Last Song Syndrome), ang The Panti Sisters actor na si Christian Bables, at si Mark Oblea mula sa G!

Samantala, mabibigyan din ng pagkakataon ang mga taga-Davao at mga taga-Pampanga na maka-interact ang kanilang PPP 2019 idols. Magkakaroon ng mall shows at campus tours sa Davao mula Agosto 9 hanggang 10, 2019 at sa Pampanga sa Agosto 17, 2019.

Sa ikatlo nitong taon, ang PPP 2019 ay may temang Pamilya, Pagkakaibigan, Pag-ibig na magiging isang-linggong pagdiriwang ng exclusive na quality at diverse na mga pelikula mula Setyembre 13 hanggang 19, 2019.

Ang PPP 2019 ang magiging grand kickoff para sa Sandaan: ang ika-Isang Daang Taon ng Pelikulang Pilipino.

ELLEN ADARNA JOHN LLOYD CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with