^

HLG nakinabang sa baha…

Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - August 3, 2019 - 12:00am

CEBU, Philippines —  Wow naka-almost P67 million na ang kita ng Hello, Love, Goodbye.

Eh nawalan pa ng pasok kahapon dahil sa ma­tinding ulan na nagdulot ng grabeng baha at traffic kaya tiyak maraming nagpalipas ng oras sa mall at nanood ng sine.

Siyempre patuloy ang pasasalamat nina Alden Richards and Kathryn Bernardo sa mga pumupuri at at pumipila sa kanilang pelikula.

Mega may pabaon kay Rhea 

Ngayong Sabado, ay matutupad ang wish ng long-time Kapuso host na si Rhea Santos na maka-duet ang nag-iisang Megastar Sharon Cuneta. Bago pa man umalis ng bansa, pababaunan ng Wish Ko Lang! si Rhea ng isang magandang alaala sa pamamagitan ng pagtupad ng kanyang wish na makakanta ng Bituing Walang Ningning kasama si Sharon na tiyak na ikatutuwa niya.

Formal na ngang namaalam si Rhea sa kanyang mga programa sa GMA pero ito nga at may pabaon sa kanyang paglipad papuntang Canada kasama ang kanyang pamilya.

GOODBYE LOVE HELLO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with