^

PSN Showbiz

Gerald may pattern na sa pang-iiwan ng girlfriend

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Gerald may pattern na  sa pang-iiwan ng girlfriend
Gerald Anderson.

Grabe naman ang reaction ng followers ko sa post ko na okay lang ang nangyari kina Bea Alonzo, Julia Barretto at Gerald Anderson.

Violent ang mga comment ng iba dahil parang okay raw sa akin ang cheating at tanggap ko na may nasasaktan na tao.

Kaloka!

Medyo iba na ang analysis ko sa mga ganitong pangyayari dahil 72-years-old na ako. Like in the case of Bea, siguro handa na siya sa nangyari dahil pangalawang beses na nga na ginawa ni Gerald.

Noong unang ginawa ang pagloloko, tinanggap ni Bea at binigyan niya ng second chance si Gerald.

Pero nang mangyari uli sa pangalawang pagkakataon, nakita ni Bea na hindi nagbago si Gerald so dapat lang na handa at matibay na siya.

Si Julia, alam ang risk na pinasok niya at kung sakali na mangyari sa kanya ang ginawa ni Gerald kay Bea, dapat na maging handa rin ang puso niya sa sakit.

Wala rin assurance si Julia na maiiba ang trato sa kanya dahil parang pattern na kay Gerald ang basta na lang mang-iwan ng karelasyon niya.

Si Gerald, siguro ang nasa utak niya, puso ko ito, kung saan liligaya doon ako. Baka ganoon din siya noong una kay Bea, basta na lang siya nawala.

Life nilang tatlo ito, live and love ang drama nila, nanonood lang tayo. We have our own views pero sila pa rin ang magde-decide sa buhay nila, so be it.

Lahat sila, may reason.Silang tatlo may risk na pinasok, silang tatlo ang magdadala ng sakit at ligaya kaya dapat okey lang tayo.

Hindi puwedeng mag-set tayo sa iba ng standard na gusto natin. Kung ano gusto nila, sila ang bahala dahil responsibilidad nila ‘yon sa sarili, hindi sa atin.

Dingdong at Marian hindi na fundraising ang binyagan ng mga anak

Gustung-gusto ko ang ugali nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Okey lang ‘yung iba na kapag ikinasal o nagpabinyag, halos buong bayan ang ninong at ninang.

Baka nga ganoon talaga karami ang mga kakilala nila kahit pa nga madalas ang biruan na parang fundraising ang kanilang mga event.

Sina Dingdong at Marian, ang closest friends at ang mga tao na kanilang gusto na maging bahagi ng buhay ay kinukuha para maging ninong at ninang ng mga anak nila.

Feeling importante ka talaga dahil makikita mo na kinuha ka na godparent dahil love ka nila, hindi ‘yung casual friend lang na kaya kinuha dahil makakadagdag premium o masabi lang na ninong o ninang ng anak nila.

Commendable virtue para sa isang showbiz couple na mapanatili ang tie nila sa mga tunay na kaibigan, in or out of showbiz at hindi gawin spectacle ang mga okasyon sa kanilang buhay. Love it na very private, very classy ang binyag ng mga apo ni Perry Lansigan, hindi showbiz, hindi fundraising, kaya sosyal na sosyal.

Love you Perry, thank you for the love from Salve, Gorgy, Rose at Vinia.

vuukle comment

BEA ALONZO

GERALD ANDERSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with