_ngayon
^

Aktres dedma sa malaking butas ng ilong!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - July 31, 2019 - 12:00am

Nakakatuwa ang magaling na aktres na ito dahil hindi nagpa-pressure sa mga nagpapayo sa kanya na para mas gumanda at sumikat, kailangan niyang ipaayos ng konti lang naman ang kanyang ilong. Matangos ang ilong ng aktres, malaki lang daw ang butas at ‘yun ang dapat ayusin.

Naalala naming isa kami sa nag-i-interview sa aktres nang sabihan siya ng isang reporter na kailangan niyang magpa-nose job dahil nga sa butas ng ilong. Nakita naming nag-iba ang facial expression ng aktres, hindi alam kung magagalit, magtataray o tatawanan ang suhestiyon ng reporter. Pinili na lang ng aktres na manahimik at dedmahin ang reporter.

Tuwing nakikita namin ang aktres, ang eksenang ‘yun ang lagi naming naaalala, but in fairness to the actress, hanggang ngayon, ganu’n pa rin ang ilong. Hindi niya sinunod ang payo na magpa-nose job siya and in fairness uli, sunud-sunod pa rin ang projects niya.

Lovi hindi malaman kung nasaan!

Nasagot na rin ang pagtataka namin kung bakit kasama si Lovi Poe sa pinu-promote na artist na dadalo sa VivaCon 2019 na gagawin sa World Trade Center sa August 3 and 4. Gagawa raw ng movie sa Viva Films ang aktres to be directed by Joel Lamangan at sa VivaCon siguro i-a-announce.

Hindi binanggit kung sino ang makakasama ni Lovi sa Viva Films movie na gagawin at kung kailan gagawin, basta ang sigurado, magbibida siya sa isang pelikula sa Viva Films ni Mr. Vic del Rosario.

Speaking of Lovi, patuloy nitong nililito ang followers niya sa social media kung nasaan siya dahil ang pino-post na pictures, kung minsan, sa ibang bansa ang location tapos biglang magpo-post ng photo na nasa Pilipinas siya.

Idagdag pa na hindi siya nakikita sa Manila at ang huling balita kay Lovi ay noong pumunta sila ni Dennis Trillo sa Singapore para sa GMA Pinoy TV Event.

Anyway, sabi ni Mr. Jay Montelibano ng Viva, magiging yearly event ang VivaCon na three years pa palang plinano ni Boss Vic at ang objective ay para mapalapit ang fans sa favorite Viva stars and singers.

Imbitado rin sa VivaCon sina Empoy Marquez, Arjo Atayde at Alex Gonzaga at marami pang ibang celebrities. Magkakaroon din ng auditions for aspiring actors, singers and bands and for P550 admission, mag-i-enjoy ang fans.

Jillian tinanggal na sa programang pambata!

Inalis na sa Daig Kayo ng Lola Ko si Jillian Ward dahil hindi na siya bagay sa mga kasama niyang sina David Remo at Chlaui Malayao na gaya niya, guma­ganap na mga apo ni Gloria Romero.

Dalagita na si Jillian at ila-launch nang teen star sa bagong Afternoon Prime ng GMA-7 na Prima Donnas, kaya kailangan na siyang alisin.

Sa August 19, ang start ng airing ng Prima Donnas sa direction ni Gina Alajar at makakasama ni Jillian at gaganap na kanyang mga kapatid sina Althea Ablan at Sofia Pablo.

Produkto ang tatlo ng surrogacy at magandang tema ito ng teleserye para mas marami ang makaalam kung ano ito.

Sa isang interview, nabanggit ni Jillian na okay na sa kanya ang magkaroon ng love team, pero wish ng kanyang supporters, ‘wag munang bigyan ng GMA-7 ng ka-love team ang dalaginding. I-enjoy daw muna nito ang teenage years na walang love team na gugulo sa isip niya dahil siguradong magugulo ang buhay niya, guguluhin ng fans na ayaw sa magiging ka-love team niya.

Carla sinolo muna ni Tom bago mag-serye

Tapos na ang Dragon Lady nina Janine Gutierrez at Tom Rodriguez at ngayon naman ay si Carla Abellana na ang magiging busy sa bago nilang teleserye ni Rhian Ramos sa GMA-7 na Love of My Life. Pero bago umere ang soap nina Carla at Rhian, magbabakasyon muna sila ni Tom sa Phuket, Thailand.

Sabi ni Tom, “so glad to have quality time with you” at sabi naman ni Carla, “taking a short but sweet vacation.”

Naalala namin, nabanggit ng manager ni Carla na si Arnold Vegafria na may gagawing pelikula si Carla kasama si Piolo Pascual at baka raw magsabay ang shooting ng movie sa taping ng teleserye nina Carla at Rhia.

JILLIAN WARD LOVI POE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with