Andi at mga anak
Andi at BF ayaw kumuha ng yaya
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - July 29, 2019 - 12:00am

Kamakailan lang ay nanganak na ang aktres na si Andi Eigenmann sa kanyang ikalawang baby girl, pero unang anak niya ito sa kanyang kasalukuyang partner, ang surf champion na si Philmar Alipayo.

Ang bagong silang na anak ni Andi ay pinangalanang Keliana Alohi Eigenmann Alipayo at may palayaw na Lilo.  Ang features ni Lilo ay nakuha niya kay Andi na mestiza at maputi.

Ang panganay na anak ni Andi na si Ellie ay anak niya sa kanyang ex-boyfriend na si Jake Ejercito, isa sa mga anak ni dating Pangulong Joseph ‘Erap’ Estrada sa dating aktres na si Laarni Enriquez.

Masayang-masaya ang mag-partner na Andi at Philmar sa pagdating ni Lilo lalo na si Ellie sa pagkakaroon ng baby sister.

“Having Ellie changed my life and made it so much better.  Having Lilo now makes me feel like I have come alive once again,” part ng  post ni Andi sa kanyang IG account.

Si Philmar ay may dalawang anak na parehong lalaki sa dati nitong nakarelasyon na sina Toro at Kanoa. Ang huli ay kasama ng ina nito sa France.

Dumaan din sa caesarean section ang panganganak ni Andi kay Lilo tulad noon kay Ellie at hindi nasunod ang kanyang plano na magsilang sa pamamagitan ng normal delivery.

Samantala, ayaw umano ni Philmar na kumuha sila ng nanny para kay Baby Lilo dahil gusto niyang silang dalawa mismo ni Andi ang maging hands-on parents sa kanilang baby.

Sinabi rin ni Andi na willing pa rin umano siyang ipagpatuloy ang kanyang acting career kahit may dalawa na siyang anak at naka-base na sa Siargao Island with her new family.

Wala pa rin umano sa kanilang plano ni Philmar ang pagpapakasal although isa rin ito sa inaasam ng panganay ng award-winning actress na si Jaclyn Jose.

Joshua at Janella inaabangan kung magkakadebelopan

Biglang nauso ang salitang ‘ghosting’ sa hiwalayang Bea Alonzo at Gerald Anderson na hindi umano nagkaroon ng formal break-up. Basta na lamang daw nag-disappear si Gerald sa buhay ni Bea at si Julia Barretto ang itinuturong dahilan.

Hanggang ngayon ay tahimik pa rin sina Ge­rald at Julia na may kinalaman sa kontrobersiyang kanilang kinakaharap ngayon matapos magsalita na si Bea.

Ang ex-boyfriend naman ni Julia na si Joshua Garcia ay naaawa sa kanyang dating kasintahan dahil durog na durog ito ngayon sa pamba-bash sa kanila ni Gerald. Pero naniniwala ang young actor na ito’y malalagpasan din ng dalawa.

Samantala, sa kauna-unahang pagkakataon ay magkatambal sina Joshua at Janella Salvador sa bagong serye na The Killer Bride na pinagsasamahan din nila nina Maja Salvador at Geoff Eigenmann at kung saan din tampok ang iba pang stars tulad nina Alexa Ilacad, ang dalawang former beauty queens na sina Lara Precious Quigaman at Ariella Arida, Eddie Gutierrez, Pepe Herrera, Dominic Ochoa, Cris Villanueva at ang nagbabalik-showbiz na si Aurora Sevilla.

Ang The Killer Bride ay siyang papalit sa malapit nang magtapos na primetime TV series na Sino ang May Sala, Mea Culpa.

Since parehong single at un-attached ngayon sina Joshua at Janella, hindi kaya magka-debelopan ang dalawa habang ginagawa nila ang kanilang bagong serye?

Rayver dinadamayan si Gerald

Tiyak na nakikisimpatiya (in silence) ang Kapuso actor na ngayon na si Rayver Cruz para sa kanyang kaibigan (of long standing) na si Gerald Anderson na nahaharap ngayon sa isang matin­ding kontrobersiya matapos itong dumalo sa kanyang ika-30th birthday celebration nung nakaraang July 20 (Saturday) sa isang resto-bar in Bonifacio Global City in Taguig kung saan ito namataan na kasama umanong dumating si Julia Barretto.

Sina Rayver at Gerald ay naging mag-best friends nung magkasama pa sila sa Star Magic at pareho silang mahilig maglaro ng basketball.

Si Janine Gutierrez ang kasalukuyang girlfriend ni Rayver. Si Janine ay panganay na anak ng estranged couple na sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher at apo ng superstar na si Nora Aunor at Christopher de Leon, ng Asia’s Queen of Song na si Pilita Corrales at veteran actor na si Eddie Gutierrez habang si Rayver naman ay nagmula sa kilalang Cruz clan in showbiz.

Kay Rayver unang na-link ang pop star na si Sarah Geronimo bago ito na-link sa kanyang close friend na si Gerald Anderson. Ang triathlete, singer-actor at entrepreneur na si Matteo Guidicelli ang longtime boyfriend ngayon ni Sarah.

ANDI EIGENMANN JANELLA SALVADOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with