Nadine Lustre
Nadine nagpaliwanag sa pag-iwan kay Aga
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - July 28, 2019 - 12:00am

SEEN: Ang official statement ng Viva Films management tungkol sa kanilang desisyon na ipalit si Bela Padilla sa role ni Nadine Lustre sa Philippine movie adaptation ng Miracle in Cell No.7, ang official entry ng Viva Films sa 45th Metro Manila Film Festival na magsisimula sa December 25, 2019.

“Ms. Nadine Lustre has begged off from the project due to persistent medical concerns and her resulting inability to perform her duties as an actress during the shoot up to the promotion of the film. After appearing in a succession of films and projects, Nadine would like to take time off before starting another project.

“Bela is an excellent actress and a bankable star like Nadine and will greatly contribute to the films’ artistry and commercial success. We wish Nadine well and Bela the best of luck for Miracle in Cell.No.7.”

SCENE: Hindi dapat kinukuwestyon at iniintriga ang pasya ni Angel Locsin at ng ibang mga kaibigan ni Bea Alonzo na i-unfollow ang Instagram account ni Julia Barretto dahil ‘yon ang paraan ng kanilang pagdamay at pakikisimpatiya sa aktres na iniwanan ni Gerald Anderson.

SEEN: Parang boxer na bugbog-sarado si Gerald Anderson dahil sa mga below-the-belt comment tungkol sa “ghosting” na ginawa niya kay Bea Alonzo. Nakatambay sa Instagram account ni Gerald ang kanyang haters.

SCENE: Nag-trending noong Biyernes ang “ghosting” pagkatapos ng rebelasyon ni Bea Alonzo na basta na lamang na hindi siya kinausap ni Gerald Anderson at sa pagkakaalam niya, hindi pa sila hiwalay.

Para sa mga clueless, “ghosting” ang term sa isang tao na basta na lamang naglaho at huminto sa pakikipagrelasyon ng walang anumang paliwanag at komunikasyon.

SEEN: Natutuwa si Jennylyn Mercado sa mga positive feedback tungkol sa mga Youtube collaboration nila ng kanyang boyfriend na si Dennis Trillo. Pinatotohanan ni Jennylyn na mahusay na singer si Dennis pero bihira ito na naririnig at napapanood na kumanta. May 1.6 million views na ang After All YouTube music video nina Jennylyn at Dennis. Hindi dapat makalimutan ng publiko na si Dennis ang kumanta ng theme song ng Juan Happy Love Story, ang defunct primetime television series nila ni Heart Evangelista noong 2016.

BELA PADILLA NADINE LUSTRE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with