Janella Salvador at Joshua Garcia
Joshua at Janella, parang tinadhana!
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - July 27, 2019 - 12:00am

Naswertehan ng bagong serye ng ABS-CBN na The Killer Bride na makasama sa cast ang tatlong henerasyon ng mga artistang babae na kabilang sa pamilya Salvador, sina Jobelle Salvador na nagbabalik-showbiz matapos ang mahabang panahon ng pamamahinga, si Maja Salvador na huling napanood at hinangaan sa The Wildflower at si Janella Salvador.

Major ang mga role nila sa bagong serye na si Maja ang gumaganap ng title role pero, pinaniniwalaan ng lahat na mas mahaba ang role na gagam­panan ni Janella dahil maagang mamamatay ang karakter ni Maja at papasok ang kaluluwa niya sa katawan ni Janella at gagawa ng walang patumanggang pagpatay hanggang sa mahanap ang totoong may kasalanan  at dahilan ng pagkamatay niya. Okay lang na masabing support ang role niya kay Janella basta maganda ang kalalabasan ng kuwento. “It’s her time to shine,” aniya sa role ni Janella na timing na timing ang pagdating ng project dahil iniisip na ang tatakbuhin ng karera niya bago siya na-offer ng The Killer Bride. Bago rin ang pagpapareha nila ni Joshua Garcia na nabingit ang loveteam kay Julia Barretto dahil sa isyu nito kay Gerald Anderson na nakapareha niya sa movie. Bakit hindi ko sasabihing itinadhana dahil matagal nang walang ginagawa si Janella at tila di pa nakakapagpasya after maghiwalay sila ni Elmo Magalona.

Matagal nang gustong pagtambalin ng kanilang network sina Janella at Joshua pero, bakit ngayon lang nangyari? Perfect timing ito sa kanilang bagong tandem ni Joshua pero, kinailangan nila ng isang sensual workshop para malaman kung kakayanin nila ang mga intimate scenes na hihilingin sa kanila. Pati sa pangangabayo ay tinuruan sila. Mabilis namang matuto ang dalawa dahil wala silang ilangan sa isa’t isa, tutok sila sa kanilang work na nagsilbing gamot sa anumang  sakit sa puso na mayro’n sila.

Pinakamasayang mediacon na marahil ang nadaluhan ng media sa The Killer Bride. Pinagkatuwaan ang madalas na pagtawag kay Eddie Gutierrez ng Eddie Garcia. Kinuwestyon ang pagtanggap ng mga support roles nina Sam Concepcion, Pepe Herrera at maging ni Keanna Reeves na nagbida na dati sa pelikula.

Matapos ang maganda niyang role sa Los Bastardos, si Maja ang kapareha ni Geoff Eigenmann na magkakapangasawahan sa kabila ng pagtutol ng mga nagaaway nilang pamilya pero, naudlot ng isang pangyayari na bago ang kasalan nila ay nakita ang karakter  ni Maja na duguan at may pinatay. Nakulong ito pero, namatay sa sunog sa kulungan. Ang kalukuwa nito ang sinasabing sumasanib kay Janella. 

Hindi pa tiyak kung kailan eere ang TKB sa ABS-CBN, ang sigurado lamang ay sa primetime ito mapapanood sa direksyon ni Dado Lomibao at nagtatampok din kina Aurora Sevilla, Dominic Ochoa, Loren Burgos, Alexa Ilacad, Eric Nicolas, Cris Villanueva, James Blanco, Lara Quigaman at Ariella Arida. 

Ariel at Winnie umabot na ng 15 taon sa radio 

Mas nakakatuwa palang makausap ng harapan ang magkatandem na A­riel Ureta at Winnie Cordero. Humarap sila sa isang piling grupo ng mga entertainment media dahil sa pag-abot ng programa nilang Todo Todo Walang Preno ng 15 taon sa DZMM radio. Para sa isang programa na umeere sa iti­nuturing na patay na oras sa radyo, 3 NH, Lunes hanggang Biyernes, marami ang nakikinig sa dalawa, hindi sila pinagsasawaan una nilang pagsalang sa Umagang Kay Ganda hanggang sa kanilang pagtuturo ng magandang asal sa, pagbibigay ni Winnie ng tips sa mga nanay at pagtalakay nila sa mga usapin, showbiz man o hindi sa programa nila sa radyo.

Hindi naman pahuhuli kina Ariel at Winnie ang bagong tandem nina Danny Buenafe at Rica Lazo sa iisang buwan pa lamang na napapakinggan, ang Good Job sa DZMM TeleRadyo, Sabado, 2NH at DZMM Radyo Patrol. Layunin ng programa nila na matulungan ang mga Pinoy na makahanap ng trabaho at hanapbuhay at binibigyan sila ng tamang gabay upang maabot at mapanatili ang inaasam nilang magandang estado sa buhay. Nagagamit ni Danny sa Good Job ang nabuo niyang network habang news bureau chief siya ng ABS-CBN sa Middle East at Europe.  

Paulo maganda kung naging babae

Napaka-ganda palang girl ni Paulo Avelino. Ito ang bagong disguise niya sa The General’s Daughter. Pinaka-maganda na marahil siya na nagbabae sa TV habang lalaki naman ang bagong anyo ni Angel Locsin. Mahihirapan silang makilala ng character ni Tirso Cruz III. Malapit na ang pagtatapos ng TGD, sino kaya ang mauunang matapos sa kanila ng Sino ang May Sala: Mea Culpa?

Shaina naging OFW na muntik mapugutan

Si Shaina Magdayao naman ang tampok sa kuwento ngayong gabi sa Maalaala Mo Kaya tungkol sa isang OFW na hindi pinalad sa kanyang pagtatrabaho sa ibang bansa. Bagong istorya ito at hindi tulad ng inaakala ng marami na isang re-hashed na kuwento lamang ng isang Pinay na muntik mapugutan ng ulo maraming taon na ang nakakaraan at isa lamang sa maraming naisalba ng ating pamahalaan sa isang tiyak na kamatayan.

Muling ipamamalas ni Shaina ang kanyang husay sa pag-arte sa isang bagong kuwento bilang isang anak at asawa na parehong minaltrato ng mga taong minahal at pinagkatiwalaan niya.  Nangi­bang bansa para sa anak niya pero, ipinakulong ng amo at inabuso pa, sa direksyon ito ni Nuel Naval. Kasama niya sina Bembol Roco, Mon Confiado at Carlos Agassi.

Derek at Andrea magkasamang nagpahinga

Sino kaya ang unang magdi-deny na mayro’n something sina Derek Ramsay at Andrea Torres. Baka nga naman nagpahinga lang sila from The Better Woman kaya magkasamang nag-relax at kumain sa Shanghai ng silang dalawa lamang. Kung may kasama sila bakit itinago nila at pinalalabas na silang dalawa lamang?

JANELLA SALVADOR JOSHUA GARCIA THE KILLER BRIDE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with