"Kararating lang namin, hindi ako nakatulog so... jet lag. Nagising naman agad. Hindi lang umabot," paliwanag ni Singson sa ulat ng ABS-CBN kahapon.
YouTube/J18N, screenshot
'Jinet lag lang': Chavit Singson dumipensa sa viral video nila ni Catriona
James Relativo (Philstar.com) - July 26, 2019 - 5:00pm

MANILA, Philippines — Nagpaliwanag si Narvacan, Ilocos Sur Mayor Luis Chavit Singson sa video nila ni Miss Universe 2018 Catriona Gray, kung makikitang muntikan na niyang maisandal ang kanyang ulo sa balikat ng beauty queen.

Nangyari ang insidente nang dalhin ni Singson at ng Miss Universe Organization si Catriona sa Las Vegas para sa welterweight unification fight nina Sen. Manny Pacquiao at Keith Thurman noong Linggo.

Aniya, inaantok lang siya noon dahil wala pa siyang pahinga.

"Kararating lang namin, hindi ako nakatulog so... jet lag. Nagising naman agad. Hindi lang umabot," paliwanag ni Singson sa ulat ng ABS-CBN kahapon.

Pumutok sa social media ang video matapos i-ere sa opisyal na Youtube channel ng PBC ON FOX ang ilang footage mula sa locker room ni Pacquiao.

Ang ilang netizens tuloy, na-shock at pinagkatuwaan ito sa pananaw na tsina-tiyansingan ng pulitiko si Catriona.

Humingi naman daw ng paumanhin si Chavit, ngunit sinabi naman daw ni Catriona na wala namang problema.

"[Ang sabi niya], 'Hindi, okay lang. Next time, ako naman ang matutulog sa'yo,'" dagdag ni Singon.

Tawa pa raw nang tawa ang reigning Miss U.

Hindi naman naiwasan ni Pangulong Rodrigo Duterte na kantiyawan ang nangyari kay Singson sa kanyang talumpati.

"Ito si [Sen.] Bong [Go], pinapanuod niya 'yung gimik mo doon sa [Las Vegas]. Sabi niya, 'Tignan mo talaga itong si Chavit oh," sabi ng presidente.

"Totoong patulog-tulog siya... We can only say, good luck, and the next mission be accomplished."

CATRIONA GRAY CHAVIT SINGSON MANNY PACQUIAO RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with