^
Miguel gustong mag-explore

Miguel gustong mag-explore

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - July 26, 2019 - 12:00am

Nanatiling loyal ang Kapuso actor na si Miguel Tanfelix matapos siyang  mag-renew ng exclusive contract with GMA Network, Inc. last July 23.

“Papunta dito kinakabahan ako kasi alam ko ang responsibilities na bubuhatin ko po, and handa naman akong harapin lahat ‘yun. Of course, I’m very happy and very blessed na nandito pa rin ako for more years sa GMA. Makakaasa po sila na more than a hundred percent effort and puso ang ibibigay ko sa lahat ng blessings na ibibigay nila sa akin,” sabi ng young actor.

From his breakthrough performance as Niño in the top-rating primetime soap of the same title kung saan siya gumanap bilang inspiring boy with mental incapacities to his outstanding role as Diego in the hit series Kambal, Karibal kung saan siya nanalong Best Actor in a Leading Role from the 1st Asian Academy Creative Awards – Miguel is proving his stature in the entertainment industry.

Sa kasalukuyan, isa siya sa mga bida ng epic drama series na Sahaya.

“Gusto ko pong mag-explore ng ibang roles, pwedeng maging bida-kontrabida, gusto ko rin po ng action. Ngayon, nagwo-workshop po ako para ma-expand ‘yung mga kaya ko pang gawin, para mas ma­ging versatile ako at kahit ano po ang ibigay sa akin magagampanan ko po ng maayos.”

Present in the contract signing were GMA Chairman and Chief Executive Officer Atty. Felipe L. Gozon, GMA President and Chief Operating Officer Gilberto R. Duavit, Jr., GMA Senior Vice President for Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable, GMA Vice President for Drama Productions Redgie Acuña Magno, and GMA Senior Assistant Vice President for Alternative Productions Gigi Santiago-Lara.

MIGUEL TANFELIX
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with