^

PSN Showbiz

Aktres sangkot sa tagong relasyon ng young actress at actor!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nagkakaroon na ng hugis ngayon ang kuwento sa magkaibigang female personalities. Dahil sa lihim na relasyon ni Actress A sa isang kilalang male personality ay si Actress B ang gumagawa ng paraan para magkita-magkasama ang mga lihim na nagmamahalan.

Ihahatid ng kanyang driver si Actress A sa bahay ni Actress B, paaalisin na ang driver at magpapasundo na lang, pagkalipas lang nang ilang minuto ay dumarating na sa bahay ni Actress B ang pamosong male personality.

Ilang minuto pa ay kasama na ng male personality si Actress A, kung saan man sila nagpupunta mula du’n ay tanging sila lang ang nakakaalam, ibinabalik na lang ng aktor si Actress A sa bahay ni Actress B kapag tapos na sila sa kanilang plano.

Matagal nang kalat ang kuwentong ito pero deny nang deny ang aktor, si Actress A naman ay tahimik lang, nagkukunwari namang walang alam sa kuwento si Actress B.

Kuwento ng aming source, “Ano, e, di lumabas din ang totoo ngayon? Deny pa nang deny ang lalaking ‘yun, e, lahat na lang yata ng makasama niya sa movie, e, kinakatalo niya talaga!

“Mag-deny man sila ngayon, e, wala na silang magagawa! Lumabas na ang daga sa kanyang lungga! May maikakaila pa ba sila ngayon?” nakataas ang kilay na komento ng aming source.

Kinaaawaan ngayon ng mas nakararami ang male personality na dating karelasyon ni Actress A. Pasalamat daw ang girl dahil hindi masalita ang kanyang ex.

Balik-kuwento ng aming impormante, “Nakakatawa nga, di ba? Nataon naman ang break-up nila sa kuwentong nagkakamabutihan na si Actress A at ang male personality.

“Naku, tantanan na nila ang pagdedenay, ‘no! Aling Pacing, bulok na ang saging!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Gerald at Julia nadungisan ang reputasyon

Nabawasan ang pagpipista ng buong bayan sa muling pagkakampeon ng Pambansang Kamao dahil sa paglutang ng kontrobersiyal na isyu tungkol kina Gerald Anderson at Julia Barretto.

Sabi nga, pinakamurang libangan ang tsismis, kaya mas tumutok ang mga kababayan natin sa sinasabing lihim na relasyon nina Gerald at Julia.

Ang kuwento ay mas lumala pa nang maglalabas na ng komento si Bea Alonzo. Itim ang buong screen ng kanyang tele­pono. Parang nagluluksa. O parang may ipinagluluksa si Bea?

Makahulugan ang kanyang mensahe, tungkol ‘yun sa pagkakamali ng tao na puwedeng unawain at patawarin sa una, pero sa ikalawa at higit pa ay hindi na ‘yun pagkakamali kundi sinadya na.

Kani-kanyang bigay na ng opinyon at paghusga ang mga tagasuporta ng aktres, hindi raw nababagay sa kanya si Gerald, dahil baruan lang ang kutsara ay pinapatos na ng aktor.

Nakakaawa si Julia Barretto na kung ilarawan ngayon ng kanyang mga bashers ay hindi lang salawahan kundi mas matindi pa du’n, meron daw pinagmanahan ang magandang aktres, ibang dugo pa ba naman ang tinutukoy ng mga bashers niya kung sino?

Mas naging excited pa para sa mga tumututok sa kuwento ang ginawang pagla-like ni Gretchen Barretto sa post ni Bea Alonzo.

Matagal nang may hidwaan ang magkapatid na Gretchen at Marjorie, kaya kontra sa sinuman sa pamilya ng kanyang kapatid, siyempre’y sa kalaban tataya si Gretchen.

Panay-panay ang pagtatanggol ngayon ni Marjorie sa kanyang anak, hindi lang daw naman si Julia ang nagpunta sa party ni Rayver Cruz, nandu’n ang kanyang panganay na si Dani at ang mister nito, pero parang walang nagbigay-halaga sa mga paliwanag ni Marjorie, bingi ang mas nakararami sa kanyang mga sigaw.

Kailangang makaisip ng magandang paraan ang Star Magic na nag-aalaga sa apat na kontrobersiyal na artistang sangkot sa isyung ito, pinakamaayos na damage control ang kailangang ilabas ng produksiyon, para maghingalo ang kontrobersiya.

Pero sunog na sunog sina Gerald at Julia ngayon, ang pakikisimpatya ay ibinibigay ng ating mga kababayan kina Bea at Joshua Garcia, kani-kanyang paksiyon ang labanan ngayon.

vuukle comment

GERALD ANDERSON AND JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with