^

PSN Showbiz

'Husband na siya': Ex-jowa ni Angel Locsin na si Phil Younghusband kasal na

James Relativo - Philstar.com
'Husband na siya': Ex-jowa ni Angel Locsin na si Phil Younghusband kasal na
Disyembre 2017 nang ianunsyo ng bagong kasal ang kanilang engagement.
Instagram/Nice Print Photography

MANILA, Philippines — Tuluyan nang lumagay sa tahimik ang football player na si Phil Younghusband kasama ang Filipino-Spanish fiancée na si Margaret Hall sa Canterbury, Kent, England.

Ipinasilip kahapon ng Nice Print Photo sa kanilang Instagram account ang ilang tagpo sa pag-iisang-dibdib ng dalawa.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Niceprintphoto (@niceprintphoto) on

 

Disyembre 2017 nang ianunsyo ng bagong kasal ang kanilang engagement. Taong 2015 ng maging magnobyo at nobya ang dalawa.

"English countryside wedding for Phil Younghusband and Marga Hall yesterday in Canterbury United Kingdom ???? Everything so perfectly beautiful," sabi ng Nice Print sa kanilang paskil.

(Kasal sa kanayunan ng Ingglatera para kina Phil Younghusband at Marga Hall kahapon sa Canterbury, United Kingdom. Napakaganda ng lahat ng nangyari.)

Sa seremonyas, makikita pa ang lalaking may tangan na bagpipe habang nakasuot ng "kilt," na tradisyunal na paldang isinusuot ng kalalakihan sa Scotland.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Niceprintphoto (@niceprintphoto) on

 

Sampung oras bago ang kasal, kinunan pa ng litrato si Phil habang naglalaro ng football, o soccer (association football).

Miyembro kasi si Phil ng Philippine Azkals, ang koponang kumakatawan sa Pilipinas sa ibang bansa sa larong football.

Nagsisilbi siyang "forward" at team captain nito.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Niceprintphoto (@niceprintphoto) on

 

Isang taong naging magnobyo sina Phil at aktres na si Angel Locsin bago sila maghiwalay ng landas noong 2013.

Engaged naman na si Angel sa film producer na si Neil Arce.

ANGEL LOCSIN

PHIL YOUNGHUSBAND

PHILIPPINE AZKALS

WEDDING

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with