^

PSN Showbiz

Bea kinampihan ni Gretchen vs. Julia!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Bea kinampihan  ni Gretchen vs. Julia!

Enough na raw kay Gerald

  “You can’t make the same mistake twice, the second time you make it, it’s not a mistake anymore, it’s a choice”

“ENOUGH,” ang caption ni Bea Alonzo sa isang black / blank photo sa kanyang IG last Sunday night.

Dagdag niya pa sa kanyang IG story : “Something I learned about people... If they do it once, they’ll do it again.”

Naikonek ang nasabing post ni Bea sa lumutang na post ng isang fan na nasa background na magkasama sina Gerald Anderson and Julia Barretto na paalis sa party ni Rayver Cruz sa Upper House Bar sa BGC. Mahaba ang caption ng fan na deleted na habang sinusulat namin ito pero marami nang naka-screenshot. “Para sa lahat ng ngsasabi na nagssinungaling ako and naninira lang. NOPE. I’m not lying. And ano mkkuha ko dun? There you go! Yan nlng ipakita ko.

“Hindi lang keme friends dahil bday ni rayver. Hello. They went on the same car together alone and iba gestures nila. Tinatago man halata padin OKAY. I dont like to assume or judge pero kawawa kase and sobrng manloloko.

“I already sent a message to bea. Clearly we don’t know all the details kung ano man nangyayare in their real personal life. Pero one thing is for sure. HE DOESN’T DESERVE BEA ALONZO!

“After everything ginawa nya. Minahal and hindi sya jinudge sa past nya sa gnwa nya sa mag bestfriend ( kimm and maja ). Minahal nya padin even nung ngkamovie sila ni Pia.

“Niloko nya pero pinatawad at mas lalong nya pdin minahal. She even organized a surprise birthday party for him. Nakakaloka.

“Ano lahat nlng ba ng leading lady nya lalandiiin nya or jojowain nya? Ganon ba yun? Sabi nga nila, Once a cheater always a cheater

“I adore and love bea so much. I hope masakit man o mahirap, sana hiwalayan nya na ng tuluyan si Gerald.

“With regards to Julia B. kung ano man reason nya selfcare selflove keme bestfriend sila ng ex nya bahala sya. I don’t care. Basta we are here for bea. We love her and she deserves better #beaalonzo #geraldanderson.

“Edit: she liked my photo and posted a confirmation ‘ENOUGH’” ang caption ng fan sa photo nina Julia and Gerald na magkasama.

Agad kumalat ang nasabing post at nag-trending agad nung Linggo ng gabi.

Dumpensa naman dito ang nanay ni Julia na si Marjorie : “@cabrera.kath Please explain too that this was taken at the party of Rayver. That you zoomed in this photo. If you care to zoom out, you will see that they were a big group that includes my nephew. I don’t see anything wrong with this photo. They don’t see to be hiding.There are people around, and if im not mistaken, Julia was waving at someone. This is not a date. They know each other, they have worked together, they are friends,” pagtatanggol / paliwanag ni Marjorie sa picture na kumalat ng anak at Gerald na nagsimulang ma-link nang magsama sa pelikulang Between Maybes.

 Bukod sa pagtatanggol ay nagbanta rin ng demanda si Marjorie sa nag-upload ng nasabing litrato ng dalawa.

Si Bea naman ay dinagsa ng maraming support at encouraging words mula sa mga kaibigan sa showbiz and fans sa pangunguna nina Kris Aquino,  Dawn Zulueta, Karla Estrada, Angelica Panganiban at Gretchen Barretto. “I love you my dearest one,” pahayag ni Gretchen na pinusuan ng maraming fans ni Bea. Common knowledge sa showbiz na magkasira sina Gretchen at Marjorie.

Pinusuan at ni-like naman ang black post ni Bea ng halos half million followers niya kasama na ang ex ni Julia na si Joshua Garcia. 

Habang sinusulat namin ito ay tahimik pa rin sina Gerald and Julia.

Si Julia ay disabled na ang comment section sa IG account  dahil sa masasakit na akusasyon sa kanyang ahas, valentina at kung anu-ano pa kaya naman sa IG account ni Gerald nagdagsaan ang galit na fans. As in malala na salita ang  natanggap ng aktor na na-link din nang gumawa sila ng pelikula ni former Miss Universe Pia Wurtzbach na My Perfect You.

Maalalang natsismis sila nun at sinabing nag-cool off sila ni Bea at nagkaayos lang nang magpunta sila sa crate ng Mt. Pinatubo sakay ng private helicopter.

Sina Joshua and Julia naman ay nauna nang umamin na friends na lang sila kahit may pelikulang ipo-promote na showing na sa September 25, ang Block Z.

Nadawit na rin sa usapan sina Kim Chiu, Maja Salvador at Sarah Geronimo.

‘Three Musketeers’  dumalo sa SONA

Hindi man nag-trend pero pinag-usapan kahapon sa social media ang pahayag ng actor na si Phillip Salvador sa mga kritiko ni Pangulong Duterte na: “Sa inyo pong lahat na bumabatikos. Mamatay kayong lahat. Salamat po,” sabi niya sa mga nag-interview sa kanila ni Robin Padilla nang dumating sila sa Batasang Pambansa para sa 4th State of the Nation Address ni Pangulong Duterte kahapon na halos 5:00 p.m. na nag-umpisa.

Tinawag na three musketeers ni Robin silang tatlo nina Bayani Agbayani na kilalang loyal supporters ni Pangulong Digong.

 Sa kabila kasi ng masungit na panahon kahapon dumagsa ang mga nag-protesta sa Commonwealth Avenue at nagsunog pa ng effigy ng presidente.  

Bilis ng pangyayari

Song-Song couple divorced na agad!

Ang bilis ng mga pangyayari.

Approved na agad ng korte ang divorce settlement ng mag-asawang Korean superstars na sina Song Joong-ki and Song Hye-kyo kahapon.

Yup, wala pang one month nang pumutok ang isyung nag-file ng divorce ang Korean actor na sumikat sa TV drama series na Descendants of the Sun, heto at tapos na.

Ayon sa report ng The Korea Times, isang closed door hearing ang naganap para sa divorce arrangement at tanging legal representatives lang nila ang dumalo sa Seoul Family Court. “I can’t give further details about the settlement,” ayon sa spokesman ng family court .

Taong 2017 nang ikasal sila.

vuukle comment

BEA ALONZO

GERALD ANDERSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with