^

PSN Showbiz

Angelica nagsalita na sa kayakap na lalaki

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Angelica nagsalita na   sa kayakap na lalaki

Kamakailan ay pinag-usapan sa social media ang tungkol sa isang larawan ni Angelica Panganiban na kasama ang isang foreigner. Ayon sa aktres ay kuha ito habang nagbabakasyon siya sa Amerika. Marami ang nag-akalang may bago nang kasintahan ang dalaga pero hanggang ngayon ay single pa rin umano si Angelica. “Hindi ako in love. Wala, may mga kaibigan siyempre akong nakikilala kapag bumibiyahe ako. Wala naman sigurong masama doon,” paglilinaw ni Angelica.

Kahit magkayakap sa nasabing larawan ay talagang kaibigan lamang daw ng aktres ang binatang kasama. “Ang tao talaga abroad, medyo hindi sila gano’n ka-conservative. I mean very expressive sila sa mga ginagawa nila. So I don’t see any harm naman doon sa picture. Yes, mga na-meet ko abroad,” giit ng dalaga.

Pinag-usapan din ang larawan ni Angelica na si Cholo Barretto naman ang kasamang nagbakasyon sa Siargao. Nai-post pa ito ni Cholo sa kanyang Instagram account. Natatawa na lamang ang aktres dahil nabibigyan ng malisya ng mga tao ang mga personal niyang ginagawa. “Oo, natawa lang ako. Eh gano’n naman ang tao eh. Malisyosa talaga ang mga tao kahit naman ako malisyosa rin naman ako. Pwede ko rin pagdudahan ‘yon pero anong gagawin ko? Anong reaction ang gagawin ko? Wala naman akong ginagawa,” giit ng dalaga.

 Bea, aminadong naging OA  sa Kadenang Ginto

Noong isang linggo ay naging trending ang isang episode ng Kadenang Ginto dahil sa paglabas ni Bea Alonzo sa isang eksena rito. Maraming mga tagahanga ang nagulat nang makita ang aktres sa serye. Agad namang nilinaw ni Bea na hindi siya magiging bahagi ng pinag-uusapang panghapong teleserye. “Dinalaw ko lang si Dimples (Romana) noon sa set ng Kadenang Ginto and then sinabi lang ng director na, ‘Halika, kunyari mabubunggo ka lang ni Daniella (karakter ni Dimples). And then, nagulat na lang ako kasi hindi ko alam na ipalalabas nila talaga,” naka­ngiting kwento ni Bea.

Ayon sa aktres ay dalawang beses pang kinunan ang maikling eksena na kanyang ginawa para sa Kadenang Ginto. “Take two pa ‘yon ah. Sabi nila, masyado daw akong OA (over acting), so take two ‘yon. Kaya thank you sa lahat ng sumusuporta,” pahayag ng dalaga.

Samantala, mainit na pinag-uusapan ngayon ang pagkakalabuan diumano ng relasyon nina Bea at Gerald Anderson. Pumutok ang balita nang maglabasan ang mga larawan ng aktor na kasama si Julia Barretto sa iba’t ibang pagkakataon. Nag-post din si Bea sa kanyang Instagram ng itim lang at Instagram Stories ng mga makakahulugang mensahe kaya naman napaisip ang netizens na mayroon talagang pinagdadaanan ang kanilang relasyon ni Gerald.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with