^

PSN Showbiz

Gerald at Julia durog sa fans!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Gerald at Julia  durog sa fans!
Gerald Anderson at Julia Barretto

Tuluy-tuloy ang pamba-bash kay Gerald Anderson pagkatapos mag-post si Bea Alonzo sa kanyang Instagram account na nagpapahiwatig na tapos na ang relasyon nilang magka­sintahan.

Kasabay nito kumalat ang post ng isang fan ni Bea na kuha nina Gerald at Julia Barretto na magkasamang dumalo sa birthday party ni Rayver Cruz sa BGC.

Ang haba ng hanash nung fan na ipinarating kay Bea, at ni-like ito ng aktres.

Pero ipinagtanggol ito ni Marjorie Barretto.

Sinabi niyang hindi iyun date nina Gerald at Julia.

Marami raw sila roon at grupo raw na lumabas para dumalo sa birthday party ni Rayver.

Wala naman daw silang itinatago kaya huwag daw sanang lagyan ng malisya ang litratong iyun dahil marami raw sila. Ob­vious na naka-zoom para lumabas na sina Julia at Gerald lang ang magkasama.

Itinanggi naman nung fan ang sinasabi ni Marjorie na naka-zoom ang kuha at silang dalawa lang daw ang magkasama sa labas ng bar na pinagdausan ng party.

May mga ipinost din ang ibang guests doon sa party na magkakasama sila pero grupo iyun na marami silang nagpapalitrato.

Kaagad na nag-trending sila sa Twitter nung Linggo nang gabi. Magkakasunod sa trending stories sina Julia, Gerald, si Joshua Garcia at si Bea.

Naka-off na ang comments section sa IG account ni Julia, kaya tumambak ang bashing sa account ni Gerald.

Pawang panlalait ang inabot ni Gerald sa mga comments sa hu­ling post niya sa kanyang Instagram account na binati si Sen. Manny Pacquiao.

Kahapon naman ay namataan sa IG stories ni Joshua ang ipinost niyang “I’m mute”.

Meron pa siyang ipinost ding kuha sa isang eksena ng drama series na Money Heist na kung saan magkayakap ang isang babae at lalaki.

Spanish drama kasi ito kaya may subtitle na English. Ang nakalagay na subtitle sa eksenang ipinost ni Joshua ay “You will move on to someone better than me.”

In-assume ng lahat na reaction iyun ni Joshua sa mainit na isyung pinag-usapan o maaaring mensahe niya iyun para kay Bea.

Ito ngayon ang sinusubaybayang isyu at maaaring may ginagawa nang paraan ang Star Magic na maayos ito.

Bitoy suportado ng Star Cinema boss

Nasorpresa si Michael V ng isang tawag mula sa isang movie producernang mag-guest ito sa Level Up radio prog­ram ng ka-troika ko na si Noel Ferrer.

Kasama ni direk Bitoy ang asawa niyang si Carol at sinamahan si Noel ng kaibigan niya ring si Pia Magalona.

Nagulat ang Kapuso actor/writer at director sa phone patch greeting sa kanya mula kay Malou Santos ng Star Cinema.

Ang tagal nga raw nag-sink in sa kanya na si Malou Santos ang kausap niya. Akala niya si Malou Fagar ng TAPE, Inc.

Matagal na raw bilib si Madam Malou Santos sa galing ni direk Bitoy. Kaya nangako siyang pano­noorin niya ang Family History na magsu-showing na bukas, July 24.

Sabi ni Malou sa kanya; “Bilog ang mundo. Malay mo, makapagtrabaho tayo soon.”

Proud si direk Bitoy sa pelikulang ito dahil dito raw talaga makikita ang ‘tatak Michael V’.

“Let this film serve as my business card and open doors,” pakli niya.

Kaya excited na rin kaming panoorin ito ngayong gabi sa premiere night nito na gaga­napin sa Cinema 3 ng SM Megamall.

Heart iniyakan ang kababayang naligwak sa SS

Medyo emotional si Heart Evangelista nang magpaalam na si Jerick Dolormente sa Starstruck nung nakaraang Linggo.

Nanghinayang si Heart dahil kababayan niya ito sa Bicol at nakitaan naman daw niya ng potential.

Pero siya ang nakakuha ng lowest score sa mga council dahil di rin siya gaanong tumaas sa boto ng mga viewers.

Kaya pati ang mga kabadingan ay nalungkot din sa maagang pagkatanggal kay Jerick sa mga finalists.

Isa siya sa pinagnanasaan dahil sa bansag sa kanyang ‘bukol king’.

Ngayong linggo ay muling dadaan sa artista test ang natirang eleven finalists.

vuukle comment

GERALD ANDERSON

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with