^

PSN Showbiz

Nakarma?!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Nakarma?!
Keith Thurman

Hindi ako mahilig sa boxing kaya I was surprised to find myself genuinely happy sa panalo si Sen. Manny Pac­quiao sa laban nito against Keith Thurman. Ni-resent ko ang malabis na kayabangan niya sa mas beteranong boksingero na dapat ay may paggalang siya dahil sa edad nito at katayuan sa buhay.

Ang yabang-yabang nito kaya, ayun, kinarma ito. Sa ­unang round pa lamang ng kanilang salpukan ay napatumba na siya ng ating Pambansang Kamao. Hinahangaan ko ang Eight-Division Champion sa ipinamalas niyang self control at hindi pagpatol sa kanyang kalaban. 

It was a most deserved victory for someone who has served his country. Well. Pero, sana ay mag-retire ka na, Manny, habang nasa itaas ka pa.

Idol PH matatapos na agad

Ang bilis namang natapos ng Idol Philippines.Akala ko, tulad ng American Idol ay mas mahaba pa ang magiging labanan ng mga napiling semi-finalist, pero, malalaman na sa darating na Linggo kung sino ang mapipiling last contestant.

Maswerte ang programa dahil hindi pa ako tumitigil ng panonood ng laban. Andun pa kasi at kasali pa rin ang paborito kong contestants. I was of the opinion na ayaw ng mga judge ang mga marunong kumanta, karamihan sa mga natanggal ay mas may magagandang boses at marunong kumanta. 

With my favorite contestant still in the competition I have changed my mind. Naalala ko nang bitawan ko ang American Idol dahil lang natalo si Adam Lambert who I believe was the better if not the best among his batch.Hanggang ngayon, di ko pa binabalikan ang contest.

Batang commercial model Kapamilya na

Kapamilya na rin ba ang batang popular sa mga TV commercial na nagngangalang Robbie Wachtel? Siya yung batang bukod sa naalikabukan na sa kanyang paglalakad sa kalsada ay nahatsingan pa sa isang product endorsement na ginawa niya para sa Safeguard. Mukhang nakatagpo na naman ang Kapamilya ng isang bata na mapapakinabangan nila sa pag-arte. 

Dito kilala ang Kapamilya Network, sa pagdiskubre ng mga batang marunong umarte.

vuukle comment

KEITH THURMAN

MANNY PAC­QUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with