Dingdong
Dingdong muntik sumuko sa military training
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - July 22, 2019 - 12:00am

Muntik na palang sumuko si Dingdong Dantes sa training sa Special Forces School of Philippine Army dahil sa sobrang hirap. Pero nairaos nila at binigyan sila ng certificate para sa almost two-day training bilang paghahanda sa local adaptation ng Descendants of the Sun na magsisimula na ang taping next week. “Sobrang hirap pero kakayanin,” na ang pinakamahirap niyang nakalaban ay walang tulog. “Although sanay naman na walang tulog,” sabi niya pa na malamang ay masipag mag-alaga ng baby nila ni Marian na si Ziggy kaya nasanay na siyang walang mahabang tulog.

Pero ayaw niyang mag-specify kung ano talaga ang pinakamahirap.

Nauna na niyang sinaluduhan ang mga co-star niyang nakasama sa training at mga  Armed Forces na tinataya ang buhay sa mga laban para sa bayan.

“A snappy salute to my co-actors for showing their never-say-die dedication to the craft by agreeing to immerse with our country’s Special Forces in preparation for our respective roles.

“We give much respect to our uniformed men for their love and dedication to protecting our people and securing the land. It is true that we enjoy these liberties in society because the Armed Forces are in the frontline, risking their lives for us to enjoy ours, free from threat— may it be man made or natural. ?“That is why it is our duty as actors to represent them properly and as accurately as possible on screen. And what better way to do it than by learning WITH them in their own school! .?“We all have our roles to play in this society. Doing what is expected of us with integrity and purpose that is greater than ourselves makes us responsible citizens. For actors like us, our battle ground is the set and our mission is to portray a character in the best way we can, so that the whole production can tell a story in the most effective way possible. The messages may vary, according to values. They may be an outright approval of the status quo or a dissenting, discomforting one. But there is unity, beauty and growth in diversity, especially in a (developing) democracy like ours.?“Ang sabi nga ng isang Pilosopo, ‘... a whole is more than the sum of its parts.’ This means that a system just like the entertainment production becomes more effective and successful when all components - actors, stunt actors, directors, scriptwriters, among many others - are working at their best and in synergy.?“If our industry does well and asserts its responsibility to the Filipino people, then we know that we are humbly contributing in building a strong and progressive nation, and, at the same time, expressing our patriotism and love for our country.#DecendantsOfTheSun #DotsPH#FireTeam­Alpha,” ang caption niya sa photo nila sa training na ang isa pa nga ay buhat-buhat nila ang isang troso na parang sobrang bigat.

Next week na rin magkakaroon ng announcement kung sinong magiging leading lady niya.

Though nababalitang si Jennylyn Mercado pero maraming nag-e-expect na si Marian Rivera na lang. “Basta sabay-sabay nating malalaman ‘yan next week,” sagot ni Dong kahapon.

Lahat ng mga napanood sa eksena sa original version ng Descendants… na pinagbidahan ng kahihiwalay lang na mag-asawa na sina  Song Joong-ki and Song Hye-kyo ay gagawin nila kasama na ang mga eksena sa eroplano. Nagpirmahan na sila ng Memorandum of Agreement ng Philippine Air Force na magpo-provide ng lahat ng mga kailangan nila sa shooting bilang mara­ming mga eksena na naggiyerahan sa Korean drama na nagpasikat ng husto kay Song Joong-ki.

Pero hanggang sa bansa lang sila magso-shooting.

Anyway, bago namin siya nakatsika kahapon ay nagkaroon ng launching / graduation ang project nilang #ProjectBeScene kung saan si Dingdong ang isa sa mga sponsor.  Project ito para sa Stunt Association of the Philippines. Nagkaroon nga kahapon ng graduation ang mga bagong member at pinangunahan ni Cong. Alfred Vargas ang Oath ng mga bagong member.

Kasama sa naging highlights ng event kahapon ang speech ng Korean fight director na sina Bruce and Daniel from Seoul Action School.

Si Dingdong ang nagbigay ng opening remarks at dumalo rin si Mark Lapid para i-represent ang tatay niyang si Sen. Lito Lapid at Brian Poe-Llamanzares naman ang nag-represent kay Sen. Grace Poe.

Aside from Dingdong marami pang ibang artista ang tumulong para mabuo ang Stunt Association of the Philippines (SAP) na poprotekta sa kalagayan ng mga stuntman sa bansa. Katuwang ng SAP ang Yes Pinoy Foundation na founding chairman si Dingdong na kapapanalo pa lang Best Actor sa katatapos na Eddys 2019 para sa pelikula niyang Sid & Aya with Anne Curtis.

Hindi rin nagtagal si Dingdong sa nasabing interview dahil umiiyak na raw si Zia at kailangan na niyang puntahan na kasama nga niya sa graduation rites ng mga bagong member ng SAP.

DINGDONG DANTES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with