Jameson
Jameson, gustong maging CIA agent
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - July 22, 2019 - 12:00am

Kamakailan ay pumirma na ng kontrata si Jameson Blake sa Star Cinema.

Masayang-masaya ang aktor dahil sa tiwalang patuloy na ibinibigay sa kanya ng ABS-CBN. “You just have to do what you love and love what you do basically because you’ll never bring out the most if you don’t love what you’re doing,” nakangi­ting bungad ni Jameson.

Ayon sa Hashtags member ay mayroong isang role na matagal na niyang pinapangarap gawin. “I want to be this top agent. I want to be this high class CIA agent. Parang similar like that you know what I mean,” pahayag ng binata.

Kasama si Jameson sa pelikulang Hello, Love, Goodbye na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards. Isang malaking karangalan para sa aktor na makatrabaho ang direktor na si Cathy Garcia-Molina kahit na may pagka-istrikto ito. “Hindi naman siya nagalit sa akin. She’s strict pero I’m not complaining. All in all I appreciate her as a director talaga. She knows what she’s doing,” paliwanag ni Jameson.

Race natakot kay Nadine

Sumabak na rin sa pagiging artista si Race Matias. Kasama ang baguhang aktor sa pelikulang Indak na pinagbibidahan nina Nadine Lustre at Sam Concepcion.
Aminado si Race na talagang nakaramdam siya ng takot kay Nadine noong una. “I’m not going to lie, I was very scared of her the first time. As the production went on and I got to know the cast and crew better, I realized that ‘Wow! I must be stupid to assume that a person this humble and this selfless would be mataray. It just changed my perspective, meeting people as a whole. She’s a great person and I hope that I get to work with her again,” nakangiting kwento ni Race.

Sobrang nailang ang anak ni Herbert nang unang makasama si Nadine sa shooting ng bagong pelikula. “Akala ko nga talaga mataray siya, but she’s great. She’s a lovely person to work, to hang out with. Of course, at first medyo na-intimidate ako sa kanya kasi it’s Nadine Lustre. You go to any street in the Philippines, mukha niya ‘yung makikita mo,” dagdag ng binata.

Noong bata pa umano gustong mag-artista ni Race pero hindi siya pinayagan ng mga magulang. Nakapagtapos na ng kolehiyo ang binata na kumuha ng kursong Filmmaking at Scriptwriting sa New York Academy. Kumuha rin ng acting course ang baguhang aktor sa Los Angeles, California. “Ayaw daw po talaga muna sabi ng mom ko. At first I wanted to join ‘Goin’ Bulilit, Pinoy Big Brother, pero paulit-ulit akong minamartilyo sa ulo ko ng nanay ko na, ‘Uy! Ikaw, wala kang gagawin hanggang magtapos ka. ‘Yon talaga ang priority. Focus sa school ang get a degree kahit saan and after that full-fledged support na talaga in whatever I want to do. It was a very good choice for my parents. I’m lucky enough I was able to find my passion in acting,” nakangiting pahayag ni Race. (Reports from JCC)

JAMESON BLAKE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with