Rayver
Rayver may pa-birthday
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - July 22, 2019 - 12:00am

SEEN: Ang animated movie na The Lion King at ang Tagalized version o isinalin sa Tagalog na Wonder Woman ang itinapat ng GMA-7 sa delayed telecast ng ABS-CBN sa boxing fight kahapon ni Senator Manny Pacquiao at ng American boxer na si Keith Thurman. Pre-empted ng Pacquiao-Thurman fight ang Sunday PinaSaya ng GMA-7 at ASAP ng ABS-CBN.

SCENE: Round 7 na ng laban nina Senator Manny Pacquiao at Keith Thurman sa MGM Grand Arena, Las Vegas, Nevada nang mag-umpisa ang delayed telecast ng ABS-CBN.

SEEN: Sinuportahan ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang laban ni Senator Manny Pacquiao kay Keith Thurman. Si Catriona ang nagbitbit sa Philippine flag nang pumasok si Pacquiao sa MGM Grand Arena.

SCENE: Naging katawa-tawa si Keith Thurman dahil sa boxing shorts na ginamit niya sa laban nila ni Manny Pacquiao. “nagdala ng malas” kay Thurman ang kanyang boxing shorts dahil tinalo siya ni Pacquiao via split decision.

SEEN: Agaw-eksena si Floyd Mayweather, Jr. sa MGM Grand Arena nang panoorin niya kahapon ang boxing match nina Senator Manny Pacquiao at Keith Thurman.

SCENE: Apektado ng mga live watch party sa Facebook ng Pacquiao-Thurman fight ang delayed telecast ng ABS-CBN. Nagkaroon din ng Pacquiao-Thurman viewing party sa isang sinehan sa Makati City ang mga kaalyado ni President Rodrigo Duterte sa pangunguna nina Senate President Tito Sotto at Senator Ronald Dela Rosa.

SEEN: Ngayong hapon ang pilot telecast ng Hanggang Sa Dulo ng Buhay Ko, ang suspense drama series ng GMA-7 na ipinalit sa Dragon Lady na nagwakas noong Sabado. Ang Hanggang… ang “birthday presentation” ni Rayver na nagdiwang ng kanyang 30th birthday noong Sabado, July 20, 2019. May lungkot na nararamdaman si Rayver Cruz dahil unang kaarawan niya na wala ang kanyang ina.

RAYVER CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with