^

PSN Showbiz

Aktor unti-unti nang nahuhulog sa katalinuhan ng aktres na kapartner

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Habang nagtatagal ang kanilang pagsasama sa isang serye ay maraming nakakapansin na lalong nagiging malapit nasa isa’t isa ang dalawang bida sa palabas.

?Walang dahilan para mausog ang posibilidad na maging sila, marami kasi silang napagkakasunduan, pareho rin silang matalino.

?Kuwento ng aming source, “Kung kilala nga namin ang guy, e, nakakita siya ng babaeng makaka-match niya sa maraming bagay. Puwede silang mag-usap nang maghapon nang hindi sila nauubusan ng topic.

?“They can talk about anything under the sun, pareho kasi silang matalino, maraming hindi nakakaalam na pareho silang may diploma.

?“’Yung girl, titingnan mo siyang pa-sexy-sexy lang, pero kausapin n’yo siya, mapapatunayan n’yo na hindi lang pala ang napakaseksi niyang body ang puwede niyang maipagmalaki.

?“Ayaw lang niyang makisabay, pero hindi alam ng iba na magaling siyang magsulat. Yes, mahusay siyang magsulat ng nobela. Marami na siyang naisusulat, pero hindi lang niya inilalabas ‘yun, ayaw niyang makipagsabayan sa mga artistang sumusulat ng script ng mga movies na ginagawa nila,” positibong impormasyonng aming source.

?Ilang araw pa lang silang nagkakasama sa serye ay halatado na ng kanilang mga katrabaho na interesado ang aktor sa kanyang kapareha. Kapag break ay silang dalawa ang magkausap, makabuluhan ang kanilang mga paksa, hindi talaga malayong maging sila.

?Patuloy ng aming source, “Kahit anong topic kasi ang buksan ng guy, e, siguradong may alam ang girl. Believe na believe ang male personality sa partner niya na matalino pala!

?“Kahit ang mga pinagkakaabalahang sports nu’ng guy, alam na alam ng girl, they really compliment each other. Parang nilalaro rin ng girl ang mga paboritong sports ng guy, kaya nagkakasundo talaga sila.

?“One day, makikita n’yo, sila na nga talaga. Kitang-kita kasi ng mga katrabaho nila na they really blend, nagkakasundo sila, iba talaga ang intellectual compatibility,” dagdag pa ng aming impormante.

?At bagay na bagay sila, impernes, dahil hunk na hunk ang male personality, nakapa-sexy naman ng girl, pareho silang health buff.

?Huling sultada ng aming source, “At hindi user ang guy, madatung siya, hindi niya peperahan lang ang girl, tulad ng ginawa sa kanya nu’n ng isang male personality!”

?Ubos!

Edu at Vilma dawit sa pagiging patol king ni Luis

Hindi na maganda ang pinupuntahan ng mga pamba-bash kay Luis Manzano sa social media. Marami nangnadadamay sa isyu. Pati ang nananahimik niyang mga magulang ay nakakaladkad na sa mga upak sa aktor-TV host.

Dahil sa sobrang pagpatol ni Luis sa kanyang mga bashers ay may mga nagbibigay ng opinyon kung hindi man lang ba siya kinakausap nang seryosohan ng mga magulang niya?

?Damay ang pangalan nina Edu Manzano at Congresswoman Vilma Santos-Recto. Sobrang abala raw ba ang kanyang mga magulang para hindi man lang siya maiupo para mapangaralan?

?Sabi ng isang basher ni Luis, “Nakakahiya ka! Kung makapang-body shaming ka, e, para namang napaka-perfect mo na! Nagkaitsura ka lang nang konti dahil sa genes ng parents mo, e, naging mayabang at bastos ka na!

?“Wala ba silang time para kausapin ka na mali ang mga ginagawa mo? Babae ang kalaban mo sa social media, pero kung mapintasan mo, e, todo-todo?

?“Ganyan ba ang tunay na lalaki? Mapagpatol, nananakit kahit ng mga babae? Mahiya ka naman sa balat mo!” kumpletong komento ng kanyang basher.

Talagang hindi maiiwasang hindi mabanggit ang pangalan ng kanyang mga magulang sa ginagawang pakikipag-upakan ni Luis sa kanyang mga bashers. Madadamay at madadamay talaga sina Edu at Cong. Vilma sa usapin.

?Madalas na naming sulatin at gawing halimbawa ang mga estudyanteng umaakyat sa entablado kapag graduation para sabitan ng medalya.

Hindi naman tinatanong ng mga nakamasid kung ano ang pangalan ng honor student, ang kanilang tanong, “Sino ba ang mga magulang niya, kaninong anak ba ang matalinong batang ‘yan?”

?Sa positibo at negatibong ehemplong nakikita sa anak ay ang pangalan ng kanyang mga magulang ang nakasalang sa argumento.

vuukle comment

LUIS MANZANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with