Yeng Contantino
Yeng inakusahan ng pambu-bully sa doktor!
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - July 21, 2019 - 12:00am

#NoToDoctorShaming ang hashtag nang mag-trending si Yeng Contantino sa Twitter kahapon.

Ang apela ng netizens, tanggalin ang picture ng doktorang tumulong sa kanila nang maaksidente ang mister niyang si Yan Asuncion sa isang cliff diving spot sa Siargao.

Aside from #NoToDoctorShaming inakusahan din siya ng CyberBullying dahil labag ito sa batas base sa Republic Act no. 10175.

Naglabas nga ng sama ng loob si Yeng sa social media tungkol sa aksidente ng asawa niya na hindi agad-agad na-check dahil sa kakulangan ng mga kagamitan sa rural hospital ng Siargao.

Kasama nga sa complain niya na “3. Kakulangan ng malasakit at urgency ng Doctora Esterlina Luzares Tan na umaksyon sa nangyayari.

“Hindi maarok ng utak ko ang pagkuyakoy nya habang binabasa ang manual ng INFRASCANNER dahil kakaunbox lamang nila nito habang ang asawa ko ay nakahiga di makadilat halos dahil sakit ng ulo na natamo nya sa aksidente.”

Meron din namang mga kumampi kay Yeng pero meron din nagsasabi na dapat mas naging maingat sila dahil alam naman nila nasa third world country at alam din nila na hindi modern ang mga hospital na malapit doon.

YENG CONTANTINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with