Dingdong Dantes, Eric Santos at Rita Daniela
The Eddys eere sa colours ng Cignal TV
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - July 21, 2019 - 12:00am

Balikan ang masaya, maningning at makasaysayang mga eksena sa katatapos na 3rd Entertainment Editors’ Choice o The Eddys ngayong Linggo, alas-nuwebe ng gabi, sa Colours Channel 60SD at 202HD ng Cignal TV.

 Katuwang ang Film Development Council of the Philippines (FDCP), sa pangungu­na ni Chairperson Liza Diño, espesyal ang Filipiniana edition ng Eddys ngayong 2019 na ginanap sa New Frontier Theater (Home of the Eddys) dahil sa pakikiisa ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa selebrasyon ng sentenaryo ng pelikulang Pilipino.

Wagi sa best actor category si Dingdong Dantes (Sid and Aya), Kathryn Bernardo (best actress para sa The Hows of Us), Max Collins (best supporting actress, Citizen Jake), Arjo Atayde (Buy Bust), Joel Lamangan (best director, Rainbow’s Sunset) at Liway (best picture). Bukod sa acting at technical awards, kinilala rin sa 3rd Eddys ang “unsung heroes” at ilang beteranong alagad ng sining sa Parangal sa Sandaan portion na in-anchor ng Palanca-award winning TV host-journalist na si Lourd de Veyra. Kabilang sa honorees ang tatlong malalaking film studios na LVN Pictures, Sampaguita Pictures at Premiere Productions. Nagsama-sama rin sa entablado ang mga gaya nina Tommy Abuel, Lucy Quinto, Pepito Rodriguez, Lorli Villanueva, Digna Santiago at marami pang iba. Nagbigay-pugay din ang SPEEd sa pamamagitan ng isang montage sa yumaong screen legend na si Eddie Garcia, isa sa Eddys Icon awardees ng 2018.

Pinangunahan ni SPEEd President Ian Fariñas ang pagkilala sa 2019 Eddys Icon awardees na sina Amalia Fuentes (ni-represent ng apong si Alfonso Muhlach), Anita Linda, Dante Rivero, Christopher de Leon, Tirso Cruz III, Eddie Gutierrez, Celia Rodriguez, Lorna Tolentino, Vilma Santos at Joseph Ejercito Estrada (na tinanggap ng anak niyang si dating Senador Jinggoy Estrada).

Samantala, agaw-eksena ang naging pagtanggap ng aktor-producer na si Piolo Pascual sa Rising Producers’ Circle Award kahati ang T-Rex Entertainment ni Rex Tiri nang bigla siyang sumulpot sa stage ilang saglit matapos ang awarding dahil naglagare mula sa advance taping ng isang noontime variety show. Si Eric Quizon naman ang tumanggap ng Posthumous Award for Comedy King Dolphy. Dumating din sila tita Ethel Ramos (Manny Pichel awardee) and Nay Cristy Fermin (Joe Quirino awardee).

First time nag-host ng isang awards night for movies ang batikang broadcast journalist na si Korina Sanchez-Roxas, na sa sobrang professional ay itinawid pa rin ang commitment sa The Eddys sa kabila ng pagkaka-sprain isang araw bago ang gabi ng parangal. Pinuri rin at pinalakpakan ang ‘di matatawarang performance ng Pop Diva na si Kuh Ledesma at nina Ice Se­guerra, Aicelle Santos, Gerald Santos, Rayver Cruz, Hashtag Rayt, Bituin Escalante, Lara Maigue, Rita Daniela, Jem & Andrea, Sean Oliver, RJ dela Fuente, BOU at Acapellago. Ang Kapuso artists na sina Juancho Trivino at Arra San Agustin ang nagsilbing red carpet hosts. Presented by Echo Jham Entertainment Productions, headed by May Alma Arenas, and Cignal TV, ang Eddys 2019 ay pinamahalaan ng mahusay na direktor na si Calvin Neria. Sinuportahan din ang 3rd Eddys ng mga sumusunod: Manila Genesis Entertainment, Soundcheck, PLDT Home, Beautederm, Unilab, Novotel, Snail White, Kultura, Megasoft Hygienic Products, Sisters Pantyliners, Cherub Baby Care, GSM Blue, DMCI, Gandang Ricky Reyes, Fernando’s Bakeshop, Nature’s Spring, Petalier, Stratworks, Bambbi Fuentes Salon at Yoshinoya.                                                                                        

3RD ENTERTAINMENT EDITORS’ CHOICE YENG CONTANTINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with