Pasig City Mayor Vico Sotto at Manila City Mayor Isko Moreno
Isko at Vico nagsama sa fun run
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - July 21, 2019 - 12:00am

For the very first time, nagkita kahapon sina Manila City Mayor Isko Moreno at Pasig City Mayor Vico Sotto, ang dalawa sa mga bagong halal na alkalde sa Metro Manila na simbolo ng pag-asa ng kanilang constituents.

Nagtagpo sina Isko at Vico sa MVP Superhero Fun Run na ginanap kahapon sa Me­ralco compound sa Pasig City.

Dumalo rin sa MVP Superhero Fun Run si TV5 Chairman Manny Pangilinan na achiever din gaya nina Isko at Vico. Sa title pa lang ng event, obvious na isa ito sa mga project ni Papa Manny.

Siyempre, pinagkaguluhan ng mga sumali sa Superhero Fun Run sina Isko at Vico dahil sila ang mga hottest mayor ngayon sa buong Pilipinas. Mga rockstar mayor na nga ang tawag sa dalawa dahil sa kanilang popularidad mula nang mahalal sila na mga mayor ng siyudad nila.

Buong-buo ang tiwala kina Isko at Vico ng kanilang constituents dahil sa mga pagbabago at paglilinis na ginagawa nila sa Maynila at Pasig.

Sana nga, madagdagan pa ang mga mayor na katulad nina Isko at Vico na mga tunay na pag-asa ng bayan.

TIPM, may birthday episode ni Cristy

Very special ang episode ng Take It... Per Minute! (Me Ganun) sa July 23 dahil birthday presentation ng aming co-host na si Cristy Fermin at pangako ni Pia Romeo na darating ang kanyang mister na si Terrence Romeo at ang baby nila.

Sana nga, makarating sa aming online show sa Martes sina Pia at Terrence dahil favorite couple namin sila.

Sure ako na darating sila Budingding, Jerry, at ang Villar girls na sina Anna Mae, Nini at Avic.

Tiyak ko rin na pinakamaligayang araw ‘yon para sa mga angel ni Cristy na sina Tina Roa at Japs Gersin dahil ano­ther year is added sa kanilang mahal na boss.

Bongga sa Tuesday dahil sure ako na aapaw na naman ang food at marami kaming maiuuwi ni Gorgy.

Special day ang Tuesday kaya huwag ninyong kalilimutan na panoorin ang Take It…Per Minute.

Happy birthday Cristy, ang pinaka-abonado sa aming tatlo ni Mr. Fu kaya love na love namin siya. Parang si Cristy ang  producer ng aming online show dahil sa dami ng mga ibinibigay niya.

Trailer ng Stranger pinag-usapan

Happy sina Anne Curtis at Marco Gumabao dahil positive ang mga feedback sa trailer ng Just A Stranger, ang pelikula nila na may playdate sa August 21.

Pinag-uusapan ang trailer ng Just A Stranger dahil maikukumpara ito sa mga Hollywood film.

Seksing-seksi si Anne sa mga eksena nito at ibang-iba ang kanyang role kesa sa mga karakter na ginampanan niya sa BuyBust at Sid & Aya: Not A Love Story.

Love triangle ang kuwento ng Just A Stranger dahil nagkaroon ng affair ang karakter ni Anne sa isang lalake na mas bata sa kanya na ginagampanan ni Marco Gumabao.

Si Edu Manzano ang gumaganap na asawa ni Anne at kasali rin sa pelikula si Cherie Gil.

ISKO MORENO VICO SOTTO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with