Nadine Lustre
Nadine nag-aantay ng right timing sa pagtatambal uli nila ni James
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - July 21, 2019 - 12:00am

Ipalalabas na sa mga sinehan simula August 7 ang pelikulang Indak na pinagbibidahan nina Nadine Lustre at Sam Concepcion.

Ayon sa aktres ay malaki ang pagkakahawig ng istorya ng nasabing proyekto sa kanyang personal na buhay. “Parang istorya ko nga po ‘yon eh. I guess sa experience ko, ‘wag po kayo matakot kung ano ‘yung dreams n’yo. I-push n’yo lang hanggang sa maabot n’yo ‘yon. Kasi once na alam mo ‘yun nag-doubt ka sa sarili mo tapos umatras ka na, wala na. So forever na ‘yon na mawawala sa ‘yo,” paliwanag ni Nadine.

Samantala, kumpirmadong si Aga Muhlach ang makakasama ng aktres para sa remake ng Korean movie na Miracle in Cell no. 7. Hindi man ang kasintahang si James Reid ang nakakatambal ni Nadine ngayon ay umaasa pa rin naman ang mga tagahanga na muling magkakasama sa mga proyekto ang dalawa. “I get naman po, medyo matagal naman na nga kami walang project ni James together sa big screen o kahit sa TV. Ako po kasi naniniwala ako na may right timing for everything so hindi naman kailangan magalit, ma-disappoint or anything. Darating po ‘yon antayin lang natin,” paglalahad ng dalaga.

Hindi man magkasama ngayon sa mga proyekto ay masaya naman si Nadine para sa kanya-kanyang ginagawa nila ni James. “It’s also stepping stone, you grow together, you grow apart. It’s nice din na wala si James kasi I have my own projects,” pagtatapos ng aktres.

Sam Mangubat hindi makapaniwala sa napanalunan sa MOR

Makakasama si Sam Mangubat sa One Paradise: Puno ng Musika concert na gaganapin sa La Mesa Eco Park sa July 27.

Isang malaking karangalan para sa singer na mapabilang sa nasabing show. “This is a tree planting gig actually para ma-preserve ang La Mesa Watershed. So it’s really important na maging aware. I actual­ly accepted the invitation to perform because it is really for a good cause. There will be tree planting gigs and music performances of different artists,” nakangiting pahayag ni Sam.

Samantala, kamakailan ay tinanghal ang singer bilang Male Artist of the Year sa MOR Music Awards 2019. Malaki ang pasasalamat ni Sam sa lahat ng tagahangang sumusuporta sa kanyang mga awitin. “Sa totoo lang hindi ako makapaniwala kasi medyo low ang self-esteem ko. Hindi ako nag-i-expect ng mga gano’n na makakakuha ng gano’ng klaseng award sa current career state ko but I am really happy for the strong support from fans na nilalaban ako at binoboto ako at ‘yung effort nila, grabe! Hindi ko ini-expect na meron pala akong ganoong impact,” pagbabahagi ng singer.   (Reports from JCC)

NADINE LUSTRE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with