Sharon Cune­ta at Cherie Gil
Sharon binusog ang mga taga-starstruck!
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - July 21, 2019 - 12:00am

Tuwang-tuwa ang mga taga-Starstruck sa taping nila nung nakaraang Biyernes nang may dumating na mga pagkain sa kanilang studio sa GMA 7.

Nagpadala pala si Sharon Cune­ta ng lechon, alimango, kakanin at cake para kay Cherie Gil.

Nakakatuwa nga ang friendship nila pagkatapos nilang mag-reunion kamakailan lang.

Ipinost pa nila ang reenactment ng sikat na eksena nila sa Bituing Walang Ninging na “You’re nothing but a second-rate trying hard copycat”, at magmula nun tuluy-tuloy na ang komunikasyon  nila.

Kaya sobrang tuwa ni Cherie nang pinadalhan siya ng mga pagkain na pinagsaluhan nila ng mga taga-Starstruck.

Kaagad na ipinost ni Cherie sa kanyang Instagram account ang pasasalamat sa Megastar.

Sabi niya sa caption ng video na nilalantakan niya ang alimango; “I love love you @reallysharoncuneta look how happy you made my #Starstruck family and of course me! SAAARRRAAAP GRABE. I’ll never forget this again. Another one of your many generous acts of love in my life. Thank you @lechon_diva the best!”

Ni-repost naman ito ni Sharon at binati na rin niya sina Heart Evangelista at Jose Manalo na kasama ni Cherie sa Starstruck Council.

Naging magkaibigan sina Sharon at Cherie nang magsama sila sa Bituing Walang Ning­ning, at nasundan pa ito sa Sana’y Wala Nang Wakas na kung saan nakasama naman nila si Dina Bonne­vie.

Nakakapagtaka lang bakit hindi kasama si Dina sa kanilang pagkikita.

Samantala, sobrang na-enjoy ni Cherie ang Starstruck at napamahal na sa kanya ang mga finalists.

Napaluha ang magaling na aktres nang may pinabalik sina Crystal Paras at Radson Flores dahil dapat lahat naman daw ay mabibigyan ng second chance.

Ang narinig naman namin, hindi rin daw napigilan ni Heart na maluha nang magpaalam ang isang finalist sa Starstruck.

Ngayong gabi pa ito mapapanood, kaya hindi pa puwedeng sabihin kung sino ang natanggal.

Kathryn at Nadine mainit ang tapatan!

Kainitan ng promo ng Hello, Love, Goodbye, sumabay na rin ang promo ng Indak nina Nadine Lustre at Sam Concepcion.

Sa July 31 ang showing ng Hello, Love, Goodbye at susundan ito ng Indak na August 7 naman ang playdate.

Umiinit tuloy ang labanan ng mga fans nina Kathryn at Nadine.

Hindi talaga maitatangging silang dalawa ang mainit na nagtatapat dahil hindi maiwasang pagkumparahin, pati sa natatanggap nilang acting awards.

Si Nadine ang naging paborito ng mga kritiko.

Wagi siya sa Young Critics Circle bilang Best Perfor­mer, at Best Actress naman sa FAMAS at Urian.

Winner naman si Kathryn sa press pagkatapos niyang manalo sa Star Awards ka-tie si Sarah Geronimo at ang katatapos lang na The Eddys.

Pero kung ibabase sa promo ng dalawang pelikulang ito, dehado rito ang Indak dahil maga­ling talagang mag-promote ang Star Cinema ng pelikula nila.

Sila lang nakapag-isip na gawing isang event ang playdate at poster reveal na dinagsa ng napakaraming fans.

Lahat ng mall shows na pinupuntahan nila dinudumog ng napakaraming fans.

Kahapon naman ay may pa-concert sila sa SM Skydome na napuno rin ng napakaraming fans. Hello, Love, Goodbye a Celebration of Love and Music, tampok ang mga bida ng naturang pelikulang sina Kathryn Bernardo at Alden Richards, kasama ang co-stars nila na sina Joross Gamboa, Kakai Bautista, Lovely Abella at Jeff Tam.

Dagdag pa ang ibang Kapamilya singers na sina Angeline Quinto, Acel, Davey Langit, Ylona Garcia at marami pa.

Kaya may bayad ang ticket papasok na nagkakahalaga ng 1,290 pesos. Sold out pa ito! Kaya kumita pa sila, nakapag-promote pa.

Sana makaya rin ng Viva ang ganung promo para sa Indak lalo na’t musical ito di ba?

Siyempre, hangad naman natin lahat na mag-hit ang dalawang pelikulang ito.

Pero sa takbo ng promo, lamang na lamang pa rin ang HLG na matagal nang pinag-uusapan.

NADINE LUSTRE SHARON CUNE­TA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with