^

PSN Showbiz

Liza at Bong Go dapat tantanan sa pang-iintriga!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Liza at Bong Go dapat   tantanan sa pang-iintriga!
Liza Diño at Sen. Bong Go

Hindi naman siguro dapat intrigahin pa si Liza Diño at Bong Go sa kagustuhan nilang dalawa na tumulong sa showbiz, Salve. Pareho sila ng vision, ang gusto na sana umunlad ang movie industry natin para mas maraming matulungan, so huwag na magkaroon ng division at paratang na meron gusto mag-grab ng credit.

Both Liza and Bong are doing their job well. Both are commendable. Both have a heart for showbiz. Kaya tulungan na lang, iwasan na ang intriga. Basta sa ikabubuti ng industriya huwag na natin haluan ng malisya, trabaho na lang.

Nakakatuwa nga na meron silang aggressive plans to make showbiz successful hindi tulad ngayon na matamlay ang industriya.

Mas maraming tumutulong, mas mabuti. Please Sen. Bong and Chairman Liza, continue your help for the industry, make it shine again, please.

Mayor Lani sinagot ang Wish… ng isang namayapa

Ang sarap pala talaga ng feeling kapag kahit papaano ay nakakatulong ka. Tumawag sa akin ang isang staff ng Wish Ko Lang ng GMA 7 dahil may tulong sila na hihingin mula kay Mayor Lani Mercado-Revilla ng Bacoor City.

Namatay ang tao na tinutulungan ng Wish Ko Lang at walang pambayad sa funeral expenses ang kanyang naulila na pamilya.

Hindi alam ng Wish Ko Lang staff kung paano makakausap si Mayor Lani kaya ako ang kanilang tinawagan.

Sa mga ganitong pangyayari, madalas na ibinabato ko kay Gorgy ang trabaho pero this time, kilala ko ang staff ng programa kaya ako mismo ang nag-asikaso.

Tinawagan ko si Lani at kinausap ko ang staff niya. Sandali lang na pakikipag-usap, naayos ang lahat dahil ang office of the mayor ang magbabayad ng lahat ng gastos sa funeral parlor.

Ang sarap ng feeling na nakasali ka sa pagtulong kahit konti lang para malutas ang isang problema.

Pero at that point, isa lang ang naisip ko how sad na kapag may nangyaring ganoon sa buhay mo kailangan mo lumapit sa ibang mga tao para humingi ng tulong.

Hanggang ngayon iniisip ko, kapag binigyan ka ng problema, sunod-sunod ba? Namatay na nga ang tao, kailangan pa rin maghanap ng gagastahin para mabig­yan siya nang maayos na libing? How do you handle this?

Pero si God din ang nagbigay sa kanila ng Wish ko Lang. Intricate talaga ang buhay, God will give you the problem, tapos ang solution, sa Kanya rin manggagaling.

Siguro, sa gitna ng problema, ito ang oras para mag-isip ka at dito ka rin maghahanap ng pagbabago.

Manny wala nang dapat patunayan

Tuwing laban ni champion Manny Pacquiao, laging sinasabi na mas bata at mas malakas ang kalaban kaya natatakot ang fans niya na baka may mangyari kay Papa Manny.

Pero siguro nga dahil mas experienced, mas alam na niya ang technique kaya lagi naman ang emerging winner si Papa Manny.

Pero tulad ng marami niyang fans, isa ako sa may gusto na sana mag-retire na ang ating boxing hero. Wala na siyang dapat patunayan at walang puwede pang tumapat sa mga nagawa niya. Anywhere you go, ang taas ng ulo mo pag naririnig mo ang paghanga nila sa boxing icon natin.

Kahit saan ka magpunta pag nakita mo ang pag­hanga nila kay Manny Pacquiao gusto mong sumigaw hoy Pilipino iyan, kababayan ko. Forever champion at sports Icon and hero si Manny Pacquiao. Gusto ko mag-retire siya champion pa rin at walang injury. Hayaan mo na forever nila wish na makalaban ka pero ikaw unreachable na dahil retire ka na the champion forever.

vuukle comment

LIZA DIñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with