^

PSN Showbiz

Jane biglang naging VIP sa showbiz

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Jane biglang naging VIP sa showbiz
Jane de Leon

Matuloy man o hindi ang Darna, nagawa nang maipakilala ni Jane de Leon ang kanyang sarili sa lahat ng tagasubaybay ng local na showbiz. Biglang sikat siya. Naging curious ang lahat sa kung sino ba itong gaganap ng babaeng bayani ni Mars Ravelo na bukod sa isang napaka-ganda at kabataang babae ay wala pang masyadong nakakakilala dahil bukod sa Halik na maituturing na pinakamalaki at mahalagang role na ginampanan niya sa TV ay wala nang iba pang projects na matatandaan. Kung meron man siyang pelikulang ginawa, hindi naman box office hit na maituturing.

Anong karapatan niyang sundan si Angel Locsin bilang Darna at palitan si Liza Soberano? Bigla naging bukang bibig ang pangalan niya, marami na ang nakakakilala at umaangkin sa kanya. At may endorsement na agad.

That’s showbiz in the Philippines.

Boyet at Pip kumpirmadong ‘di na makakasama si Nora

Magagaling na artista naman sina Philip Salvador at Michael de Mesa pero nagkakaisa ang maraming manonood ng pelikula na magiging mas effective ang Isa Pang Bahag­hari na isusunod ng Heaven’s Best sa Rainbow’s Sunset na si Joel Lamangan ang muling magdi-direk at pagsasamahan sana nina Nora Aunor, Christopher de Leon at Tirso Cruz III. Ikinatuwa na sana ito ng mara­ming Noranians dahil bukod sa pelikula ay nagkaro’n ng ugnayan ang tatlo sa likod ng mga kamera in the past.

Sadly, hindi na nga ito magkakaroon ng katuparan dahil may schedule problem ang dalawang aktor kaya papalitan na sila nina Michael at Ipe na bagaman at parehong mahuhusay din sa kanilang  trabaho ay hindi ka­sing effective kapag hindi ang ex husband at ex boyfriend ang makakasama ng Superstar sa pelikula.  

Andrea tinuturing na papuri ang mga natatanggap na mahahalay na salita

Hindi apektado si Andrea Torres sa mahalay na salitang ikinakabit sa kanyang pangalan. Sa halip ay tinatanggap niyang isang papuri ito dahil sa ganda ng performance na ipinamamalas niya sa pagganap bilang kambal sa The Better Woman.

Physical ang acting niya at appearance na sumasabak at walang reklamong magpakita ng katawan at sumasabak din sa mga mapangahas na loves cenes with Derek Ramsay. Mas inspired itong ipamalas at patunayan ang bintang  nila sa kanya na para sa kanya ay hindi personal at isang trabaho lang.

Kathryn walang kapaguran sa pagwo-work out

Isang health buff pala ang girlfriend ni Daniel Padilla na si Kathryn Bernardo. Mahilig itong mag-workout at magbisikleta. Kahit sa shooting niya ng Hello, Love, Goodbye sa Hong Kong ay naisingit niya ang pagbibisikleta  pero, hindi siya mag-isa, may mga kasama siyang katrabaho sa pelikula na lubhang napagod sa pagsama sa kanya pero, siya ay parang namamasyal lang at ‘di nakaramdam ng kapaguran.

Sa Hello, Love, Goodbye nakakita ng isang bagong kaibigan si Kathryn kay Alden Richards na hindi niya akalain ay aalagaan siya at aalalayan sa kanilang pagtatrabaho.

Anak ni Pauleen may endorsement na rin

Unti-unti nang ini-expose ni Pauleen Luna ang panganay nila ni bossing Vic Sotto na si Talitha. Wala pa itong endorsement pero, pasasaan ba’t mayro’n ding kukuha dito para maging endorser.

Come to think of it, tinatalo na nina Zia Dantes, Scarlet Snow Belo at Tali Sotto sa puntong ito ang bilang ng mga batang lalaki na unti-unti nang nagkakapangalan bilang product endorser tulad ni Nathan Alcasid. Sino pa kaya ang susunod sa kanila?

vuukle comment

DARNA

JANE DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with