^

PSN Showbiz

Liza binati na si jane

Salve Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bongga hindi pa natitinag ang ABS-CBN sa pagpapalawak ng presensya nito abroad dahil umeere na sa nangungunang GMM channel sa Thailand ang seryeng Forevermore nina Liza Soberano at Enrique Gil na bumibihag ngayon sa maraming Thai viewers.

Dahil sa pag-ere ng Forevermore sa Thailand simula noong Hunyo, patuloy na tumitibay ang reputasyon ng Kapamilya Network bilang pinagkakatiwalaan na producer ng mga programang tinatangkilik ng international viewers.

Sumunod din ang Forevermore sa yapak ng ibang teleserye ng Kapamilya network ngayong 2019 na tinatangkilik sa ibang bansa tulad ng Pangako Sa’Yo sa Dominican Republic,  Halik sa Tanzania, Hanggang Saan sa Turkey  at The Blood Sisters sa Kazakhstan.

Matatandaang pinakapinapanood na teleserye nationwide ang Forevermore noong 2014. Dahil din sa kasikatan ng teleserye, naging tourist spot din ang La Presa strawberry farm sa Benguet.

After Forevermore ay ginawa nina Liza and Enrique ang Bagani kung saan nga nadisgrasya ang daliri ni Liza.  Ngayon ay hinihintay na kung kailan na magsisimula ng bagong teleserye ang magka-loveteam. Si Liza kasi ay nagpapagaling pa rin hanggang ngayon sa USmatapos maoperahan ang daliring muntik na raw mabulok dahil hindi gumaling ang unang operation na buti na lang at nang makita raw ang actress ni Mr. Carlo Katigbak (CEO of ABS-CBN) ay pinayuhang ipa-check sa Amerika.

Ito rin ang rason kung bakit siya nag-back out sa Darna na napunta na nga kay Jane de Leon na nag-congratulate sa pumalit sa kanya.

vuukle comment

LIZA SOBERANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with