^

PSN Showbiz

Juday, na-amaze kay Coco

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Juday, na-amaze kay Coco

Mas tumitindi pa lalo ang mga eksena sa FPJ’s Ang Probinsyano dahil sa pagkakapasok ni Judy Ann Santos sa programa. Matagal nang iniimbitahan ang aktres upang makapag-guest sa teleser­yeng pinagbibidahan ni Coco Martin pero ngayon lamang ito natuloy. “Na-appreciate ko ‘yung pag-present ni Coco personally. And also the character, ibang-iba siya from the previous roles that I’ve done before sa mga teleserye,” nakangiting pahayag ni Judy Ann.

Napahanga ito sa pagi­ging magaling na aktor at direktor ni Coco sa nasabing serye. Ngayon lamang kasi nasaksihan nang personal ni Juday kung paano magtrabaho si Coco. “Nakaka-amaze si Coco na panoorin kasi intense siyang tao. Intense siya sa craft niya bilang director, bilang artista,” pagbabahagi ng aktres.

Ramdam din ni Judy Ann ang respestong nakukuha ni Coco mula sa mga kasamahang artista at maging sa production team “Though wala pa naman kaming scene together, watching him lead the whole group when he’s directing, kita mo kung anong la­king respeto ang ibinibigay sa kanya,” pagtatapos niya.

GF ni KIT supportive sa kanyang pagpapa-sexy!

Kabi-kabila ngayon ang proyekto ni Kit Thompson. Bukod sa teleseryeng Sino Ang Maysala? Mea Culpa ay bida rin ang aktor sa digital film na Momol Nights sa iWant at ang independent film na Belle Douleur para sa Cinemalaya Film Festival 2019.

Masayang-masaya si Kit dahil wala siyang permanenteng katambal at iba’t ibang karakter din ang kanyang nagagawa. “I’m happy with this. I’m happy being partnered with different people, because it gives me more chances of trying different roles than just being with one person for the next five years,” bungad ni Kit.

Nagpaseksi ang aktor sa dalawang pelikula at ayon kay Kit ay nahirapan siyang gawin ang mga maiinit na eksena rito. Katambal ng aktor sa Momol Nights si Kim Molina habang si Mylene Dizon naman ang katambal sa Belle Douleur.

“It’s not easy doing those scenes. Sometimes matatawa kayo in the middle of it. Mahirap siyang seryosohin ‘pag minsan and minsan nakakakaba siya,” nakangiting kuwento ng binata.

Hindi naman daw naging problema sa kasintahan ni Kit ang mga ginawang bed scenes sa dalawang pelikula. “Okay naman siya. I mean supportive naman siyang girlfriend. So I’m happy with that,” giit ng aktor.

Napapanood na ngayon sa IWant.ph ang Momol Nights at simula August 2 ay mapapanood naman sa mga piling sinehan ang Belle Douleur. (Reports from JCC)

vuukle comment

JUDY ANN SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with