^

PSN Showbiz

Young actor na biglang yaman kahit walang trabaho buhay mayaman sa pagbubugaw

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Naunsiyami ang pagsikat ng isang young actor na ginagawang pulutan sa isang umpukan. Nandu’n na siya, sinusuportahan na siya ng network na pinagseserbisyuhan niya, pero bigla siyang naligaw ng landas.

?Nagbisyo ang young actor, napasama siya sa tropa ng mga kabataang walang ambisyon sa buhay, sinayang ng young actor ang oportunidad na ibinibigay sa kanya ng istasyon.

?Dahil sa kanyang pagbibisyo ay natuto siyang manloko. Makiki-CR lang daw siya sa bahay ng isang sexy actress, pero nang umalis siya ay nawawala na ang wallet at mamahaling cellphone ng sexy star, tinangay na niya.

?Ngayon ay takang-taka ang mga dati niyang katrabaho nang minsan siyang dumalaw sa set ng isang seryeng pinagbibidahan ng kanyang mga kasabayang aktor. Magara ang kanyang sasakyan, branded ang kanyang kasuotan, saan siya kumukuha ng ikinabubuhay niya ngayon?

?Kuwento ng aming source, “Shocking Asia talaga ang mga ka-batch niya! Kasi nga, e, bonggang-bongga na ang dating young actor na walang-wala sa buhay! Branded ang kanyang mga kagamitan, mamahalin ang car niya, ano ang nangyari?

?“May milagro ngang nangyayari sa buhay niya ngayon. Tumigil na pala siya sa pagbibisyo, napatunayan niya na walang mangyayari sa kinalugmukan niyang pagdodroga.

?“Pero nakakaloka ang trabaho niya ngayon! Siya ang supplier ng mga guwapong lalaking imina-match niya naman sa mga gay na naghahanap ng kaligayahan. Isa siyang Boogie Wonderland.

?“Sa kanya natin malalaman kung sinu-sinong male personalities ang suma-sideline, ang nagpapa-book sa kanya para sa mabilisang datung! Hawak niya ngayon ang blue book!

?“Siya ang nagdadala ng mga guwapong modelo sa mga gay businessmen na kumokontak sa kanya, kapag kailangan ng mga beki ang mga artista, siya rin ang kumokontak sa mga kasamahan niya para sa booking!

?“Kaya naman pala napakaporma na niya ngayon, maayos na ang itsura niya, hindi tulad nu’n na parang madusing siya at hindi naliligo! At mga branded stuff pa ang meron siya ngayon!

?“Naku, malaki ang kinikita niya bilang supplier ng buhay na karne! ‘Yun ang dahilan kung bakit buhay-mayaman na siya ngayon! Puwede na siyang hindi umarte, buhay na buhay na siya sa pagiging Boogie Wonderland!

?“Kung sino siya? Tunog-anghel ang name niya, pero kailangan n’yo siyang ilagan kapag nagkita kayo, dahil baka i-book din kayo ng mokong na ‘yan sa mga matron at beking nangangailangan ng partner sa kaligayahan!” napapailing na pagtatapos ng aming impormante.

?Ubos!

Juday naalala kay barbie

Nakilala na rin namin nang personal sa wakas ang young actress na pinaonood lang namin sa kanyang mga serye. Pinupuri namin si Barbie Forteza kahit hindi kami magkakilala, magaling kasi siyang umarte, parang gripo ang kanyang mga mata sa pagluha.

?Naging guest namin siya nu’ng Martes sa Take It... Per Minute, Me Ganu’n kasama ang mga anak-anakan namin ni Manay Lolit Solis na sina Christopher Roxas at Gladys Reyes.

?Napakakinis ng kutis ni Barbie, kaya ang paglalarawan sa kanya ng aming assistant na si Japs Gersin, “Siya ang artistang walang siko at tuhod! Walang maitim na part sa buong katawan niya!”

?Totoong-totoo ‘yun, mula ulo hanggang paa ay napakakinis ni Barbie Forteza, parang wala siyang mga pores na papasukan ng dumi sa katawan, nagmistula nga kaming nunal nang makatabi namin siya.

?Ang galing niya sa pag-iyak ay kakaiba, walang daya ‘yun, mula sa pamumula ng kanyang mga mata hanggang sa pamumuo ng kanyang luha ay natututukan ng mga camera ‘yun.

?“Maraming tubig po. Inom lang nang inom ng tubig, para meron ka ring iiyak,” seryosong komento ng makinis at magandang young actress.

?Siyempre’y sila pa rin ng kanyang boyfriend na si Jak Roberto, walang kaintri-intriga ang kanilang relasyon, bagay na bagay sila.

?Sabi nga ni Gladys, “Kapag napapanood ko si Barbie, e, naaalala ko si Judy Ann (Santos), ganyan na ganyan din si Juday, napakabilis umiyak!”

?Wala kaming naririnig na kahit anong hindi kagandahang kuwento tungkol kay Barbie Forteza, mahal siya ng kanyang mga katrabaho, wala kasi siyang kaartehan at yabang sa katawan kahit pa napakarami na niyang napatunayan bilang aktres.

vuukle comment

BARBIE FORTEZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with